CHAPTER 5

45 2 0
                                    

CHAPTER 5

"Tititigan mo lang ba ako?" Naka ngising sabi ni william ng mapansin ang pagkagulat ni Xpencer, napatikhim nalang ito at tinuon nalang ang pansin sa daan. May pagtataka sa muka ni William kung saan siya dadalhin ni Xpencer, ngunit napangiti nalang din siya sa pagkat hindi ito galit sa kanya.

XXXXXXXXX

Kabababa lang nila ng jeep at libutin ng tingin ni william ang paligid

"No way!! Hindi ako papasok diyan!!" Ani ni William. At maglakad ito papalayo.

"I don't want to go to market , lets go to the mall" Pagpapatuloy ni william. Napatigil sandali si william at makitang wala sa likuran si Xpencer.

"Pre Kamusta tagal na kitang hindi nakikita ahh" Ani ng lalaki at umakbay pa ito kay Xpencer.

"Condolence pala sa lola mo ahh!!.. hindi na ako nakadalaw kasi may trabaho ako!" pagpapatuloy ng lalaki , Tango naman ang nasagot ni Xpencer.

"San kaba pupunta?!! Sama---" hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin. Naangat ito ng tingin at magulat ng may lalaking tumigil sa harapan nila. Nagulat si Xpencer ng makita si William. Kunot ang noo nito at inis na nakatingin sa kanya.

"Excuse may..... kailangan..... ka?" Ani ng lalaki.. nagulat ito ng tingnan siya ng may inis ni william. At mapansin iyon ni Xpencer.

"Sorry pre kilala ko siya!!.. Sige alis na kami!!" Ani ni Xpencer at itulak papalayo si William.

"Akala koba ayaw mong pumasok dito sa palengke?!!" Napatigil si William at humarap dito.

"who's that guy? At bakit naka akbay siya sayo!?" Reklamo ni William. nagulat naman si Xpencer sa sinabi nito.

"Sandali nga akala koba ayaw mong pumasok dito? eh bakit nandito ka?

"Saan kaba kasi pupunta? at bakit sa lugar nato pa!!" reklamo ni william nakahalukipkip ito at inis na nakatingin sa kanya

"Napansin ko kasi kanina wala ka nang stock na pagkain sa bahay kaya naisipan ko nalang din na mamalengke , mas makakamura kasi kung dito!!" Ani ni Xpencer.

Wala nang nagawa si William kundi sumunod kay Xpencer.

"Pogi bili na kayo?!!" Ani ng mga kababaihan. Halos agaw tingin naman si William sa mga tindera sa palengke.

"Hi pogi!!..bili kana murang mura para sayo?!" Bahagyang natawa si Xpencer at mapansin iyon ni William.

"Anong nakakatawa?" Ani ni william.

"Smile ka lang Mukang makakatipid ako pagkasama ka?" Bulong ni Xpencer bahagyang natawa ito na ikina kunot noo naman ni william.

Nagulat si william ng abutan siya ng barya ni Xpencer.

"Anong gagawin ko dito?" May pagtatakang tanong ni William habang nakatingin sa hawak nitong barya.

"Tutal nandito narin tayo , tuturuan kitang mamalengke , pansin ko kasing puro noodles at beer yung nasa ref mo , tapos kapag kakain tayo palaging order , mas makakatipid ka kung ikaw nalang ang magluluto at mamamalengke!!" Ani ni Xpencer .

"What? no!! , tatawagan ko si Mr. Lu !!" Ani ni William , agad namang kinuha ni Xpencer ang Cellphone nito ganoon din ang dala nitong wallet at itago sa bulsa. Pilit namang kinukuha iyon ni william ngunit ayaw ibigay ni Xpencer.

"Sandali hindi pwedeng parating si Mr. Lu , hindi lahat ng oras nandiyan siya , matanda na si Mr. Lu mahina na ang katawan dapat matuto kang tumayo sa sarili mo? " reklamo ni Xpencer. Hinila na nito ang kamay ni william at maglakad papalapit sa tindahan ng gulay.

Twenty four SevenWhere stories live. Discover now