Alia’s POV
Nagulat ako paglabas ng gate ng bahay dahil naghihintay siya sa labas. Wala naman kasi kaming napag-usapan kahapon na pupunta siya.
“Good Morning!” bati niya.
“Hi!” I smiled at him.
He opened the car door. I was hesitant. Kasi naman di talaga ako sanay.
“Why? Ihahatid lang kita sa school niyo.” He said nang di ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
“C’mon, you’re my strawberry girlfriend, remember?” he said saka ako hinila papunta sa kotse niya. Sumakay nalang din ako.
“Why do you call me strawberry girl?” I asked when he started the engine. Saglit naman siyang tumingin at ngumiti.
“Well, I just find you as attractive as strawberries.” He said. Seriously? Strawberry talaga? Nagkibit-balikat nalang ako.
Hinatid lang niya ako sa school at umalis din. At lunch, he called up and wanted to come pero tumanggi ako. Kasi naman magkakasunod na araw nang magkasama kami baka magsawa na siya sa akin.
“Hinding-hindi ako magsasawa sa’yo.” Saad niya mula sa kabilang linya.
“Hay, naku! Ang corny!” biro ko. Napatawa naman siya.
Hindi na ako nagtaka nang makita siya sa labas ng building namin pagkatapos ng klase ko. He kissed me on the cheek.
“How’s work?” he asked starting a conversation habang nagdadrive siya.
“Ayos lang.” I said stretching my feet. I removed my stilettos. Halos isang araw kasi akong nakatayo. I don’t know but I already feel comfortable like this infront of him kahit alam kong kakaumpisa pa lang namin. Well, If we wanted to work this out then we have to feel comfortable and at home with each other. And I can say na parang komportable na nga ako sa kanya unlike when I am with other guy or bagong kakilala na may reservations pa rin.
We dine out bago niya ako inihatid sa bahay.
“SG, uuwi nga pala ako ng Baguio bukas.” He said then kissed my hand na hawak-hawak niya. We are infront of the house at di pa rin lumalabas ng kotse.
“SG?” I asked puzzled.
“Strawberry girlfriend!” he chuckled. Napangiti nalang ako sa kalokohan niya. So yun talaga ang endearment na gusto niya?
“I will call you SB then.” I said smiling.
“Strawberry boyfriend?” nakangiti niyang tanong.
“Nope!”
He looked at me puzzled.
“Sakit sa bangs!” biro ko. Napatawa naman siya.
“Hala, nakukuha mo na yung kakornihan ko!” biro niya.
“Ako pa ngayon ang corny? Hmp!” I faked a pout. Napatawa naman siya.
“You take care of yourself, okay? I’ll be back by Friday or Saturday, I’ll call you.” Wika niya nang makabawi. Napatango naman ako. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot. I’ll surely miss him kahit pa sabihing apat na araw lang kaming di magkikita. Somehow, nasanay na ako sa presence niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Strawberry Girl (Short Story)
Short Story[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatuluyan. Kaya naman sinadya pa niyang pumunta ng Benguet at maghanap sa mismong halaman nito ng kambal n...