His Story

7.9K 295 3
                                    

 

Alia’s POV

Unang hagis pa lang niya ng bola. Strike na! Magaling talaga siyang umasinta kahit kanina sa firing range puro bull’s eye ang mga binabaril niya.

“Ikaw naman!” he said after. Napailing ako. Agad naman siyang lumapit at hinila ako papunta sa lagayan ng bola.

Itinuro niya kung paano hawakan ang bola. Kung saan dapat ang puwesto ng mga daliri at yung tamang hand and feet position sa paghagis ng bola.

Kahit mabigat, sinubukan kong ihagis ang bola pero dumiretso lang ito sa gutter.

“Try again!” he motioned. Kumuha naman ulit ako ng bola pero medyo mabigat ito kaya pumunta ulit sa gilid at di man lang nakarating sa dulo.

“Ikaw muna kasi ulit.” Reklamo ko. Napatawa naman siya at agad na inihagis ang hawak na bola. Strike na naman.

“Bakit ang galing mo?” I asked pero tinawanan lang ako.

“Oh, ikaw na ulit.” Saad niya. I tried another shot pero di ko talaga makuha. Kainis kahit isa lang sana ang matamaan.

“Saan ka nga pala nag-aral nung college?” I asked at umupo na sa bench. Hehe! Pagkuwentuhin ko nalang siya para di niya ako paglaruin.

“Sa PSBA.” He answered at kumuha na ulit ng bola.

“Bakit doon? I know it’s a good school kaya lang mayaman naman kayo, why not in Ateneo or La Salle?”

Inihagis niya ang bola. May isang hindi natumba sa mga pins. He looked at me at ngumiti.

“Hindi kasi ako nakapasa sa Admission Test nila. I’m not as intelligent as you.” Diretso niyang sagot. I tried to see kung nagbibiro siya pero seryoso naman yung itsura niya.

“I don’t believe you. Paano ka nakapasok sa Graduate School ng IS kung di ka matalino?”

Napatawa naman siya sa sinabi ko.

“Di kasi ako seryoso sa pag-aaral nung high school lagi lang akong naglalakwatsa. Tinatatanong mo kanina kung bakit magaling akong magbowling kasi puro laro lang inaatupag ko noon.” Paliwanag niya.

I looked him in disbelief. Bakit mukha naman siyang mabait? Wala sa itsura niya ang pasaway dati.

“So pasaway ka nung high school?” pag-uulit ko.

“Actually hanggang college.” He chuckled.

“Huh?” That’s quite unbelievable because he seems to have full wisdom.

“Oo!” Natatawa niyang saad saka lumapit at umupo sa tabi ko.

“In fact, limang taon ako sa college. I dropped my subjects para lang makagala kasama ng mga barkada ko.”

“Really?” I asked skeptically.

“Yeah, sumeryoso lang ako when dad threatened me na ipapatigil lahat ang allowance ko kapag di ako nakagraduate on my 5th year.”

Kung totoo ang sinasabi niya eh di ang laki ng ipinagbago niya dahil parang ang layo-layo niya sa kinukuwento niya.

Falling for Strawberry Girl (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon