After bowling, we went to dinner. Nakakatuwa lang dahil pareho kaming hindi na nakapagbihis. Amoy pawis tuloy ako. Pero ayos lang because it’s a tie. Hehehe! Di ko talaga makakalimutan tong date na to.
Marami kaming napagkuwentuhan which made me know him better. Nakakatuwa siyang kausap. He has good sense of humor.
Pauwi na kami nang tumigil siya sa isang flowershop.
“Wait a second.” He said bago mabilis na bumaba.
Pagbalik niya may hawak na siyang isang palumpon ng pulang rosas na nakabalot sa dyaryo.
“This one’s for you.” He said smiling. I looked at the flowers.
“Seriously? Akin talaga yan?” I asked.
“Yeah, a girl should always receive flowers on a first date.” He said smiling. Napailing nalang ako at kinuha ito.
“At sa dyaryo talaga nakabalot? Di ba dapat magandang bouquet naman?” I asked teasing him. Napatawa naman siya.
“Bakit may nagbigay na ba ng bulaklak sayo na nakabalot sa dyaryo?” he asked.
“None yet!” Napailing ako.
He smiled.
“That’s it! I wanna be the first so you’ll never forget about me!” he said.
“Sira!” saad ko nalang saka tumawa ng mahina. He is really making an impression, huh? Weird parang narinig ko pa siyang bumulong ng “never again!” but when I looked at him nakatutok naman siya sa daan.
“Hindi mo ba ako papapasukin?” he asked nang makarating na kami sa bahay. Umiling naman ako.
“Not on a first date!” I teased.
“This is our second date!” reklamo niya. Napatawa naman ako.
“So you’ll never forget about it!” biro ko ulit. Natawa naman siya at di na nagpilit pa.
I waved goodbye nang paalis na siya.
BINABASA MO ANG
Falling for Strawberry Girl (Short Story)
Short Story[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatuluyan. Kaya naman sinadya pa niyang pumunta ng Benguet at maghanap sa mismong halaman nito ng kambal n...