Sinong Kumain ng Strawberry?

16.6K 420 9
                                    

 

Alia’s POV

“Waaah! Nasaan yung strawberry ko??!” sigaw ko nang makitang wala na ang kalahati ng kambal na strawberry sa lamesa.

Takang napatingin ang ilang costumers sa akin. Pati yung mga waiters ay naguguluhan ding napatingin pero wala akong pakialam.

Pumunta pa ako ng Benguet para maghanap sa mismong halaman nito ng kambal na strawberry. Tapos mawawala lang bigla??

“Sinong kumuha? Nakita mo ba?” malakas na tanong ko sa waiter na nagseserve malapit sa akin. Nagkibit-balikat naman ito.

Pinulot ko lang ang nahulog na cellphone sa ilalim ng mesa. Nawala na!

Tinawagan ko kasi si Lionelle, ang childhood bestfriend ko at sa kanya ko dapat ipapakain yung kalahati ng strawberry.

Sinong hudas ang kumain ng strawberry ko?!” halos maghysterical na ako sa lakas ng boses ko. Wala akong pakialam kung nakakakuha na ako ng atensiyon ng ibang costumers.

“Ate nakita mo ba?” tanong ko sa babaeng nasa kabilang lamesa. Umiling naman ito.

Ayon kasi sa kuwento ng lolo ko, sinumang dalaga at binatang kumain ng kambal na strawberry ay siyang nakatadhana. At mas lalo ko itong pinaniwalaan ng mapanuod ito sa isang teleserye.

Naku paano yan? Tumingin ako sa paligid. Isa kaya sa kanila ang kumain ng kalahati ng strawberry?

Yung waiter kaya?

Sana hindi! Halos kainin na kasi ng pimples ang mukha niya.

Yung nasa kabilang table kaya?

Naku mas lalong wag naman sana! Ang tanda na niya at panot pa.

Yung lalaki naman sa isa pang table, may kasama namang date. Impossible!

Nagawi ang tingin ko sa ilang waitresses na nagbubulungan at nagtatawanan. Mas lalo tuloy akong nainis.

“Are you laughing at me?!” asik ko. Natahimik naman silang lahat.

Lumapit ang isang nakaunipormeng babae. I looked at her name plate. Manager pala siya.

“Ma’am, ano po bang problema?” mahinahon nitong tanong.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Yung strawberry kasi na nandito sa saucer, bigla nalang nawala. Pinulot ko lang yung cell phone ko na nahulog. Nawala na agad. May pusa ba kayo dito?” saad ko. She looked at me puzzled pero ngumiti rin nang makabawi.

“Ma’am, palitan na lang po namin.” Saad nito.

“You don’t understand!” I hissed saka nag-iwan ng pera at umalis na.

Kainis talaga!

Napakahalaga sa akin ng Alamat ng Kambal na strawberry dahil madalas itong ikuwento ng lolo ko nung nabubuhay pa siya. Yung lola ko daw kasi pinakain niya ng kalahati nun at kahit mortal silang magkaaway ay napaibig niya ito.

Call me crazy dahil salungat ito sa pinag-aaralan ko sa school. Nasa ikatlong taon na ako ng kursong BS Applied Physics at walang kahit anong scientific explanation ang alamat subalit naniniwala talaga ako na magkakatotoo iyon.

Naniniwala ako na wala naman talagang siyensiya ang makapagpapaliwanag ng kahulugan ng pag-ibig.

Falling for Strawberry Girl (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon