Ann's POV
Uwian na. Nagaayos nako ng mga gamit.
Pagkatapos kong magayos ng gamit ay lumabas na kaming tatlo nila Samantha at Dianne
Magpapaalam sana ako na di ako sasabay umuwi nang magsalita si Samantha.
"Tara coffeeshop muna tayo. Maya maya na tayo uwi, G kaba Dianne?"
"Ay G ako diyan! Namiss kona din kumain don ng cake nila" Takaw nito
"Ann? Tara?" Pagaaya ni Samantha.
Sasagot na sana ako ng biglang may tunawag sa pangalan ko.
"Ann!"
Napatingin kaming tatlo sakanya.
Its Ivan.
Nang makalapit siya samin ay tinignan ko sila Dianne.
"Uh maguusap kasi kami ngayon. Kayo nalang muna siguro pumunta ng coffee shop" pagpapaliwanag ko.
"Kep."
Natapitingin ako kay Dianne.
"You sure?" tumango lang ako
Tumingin ako kay Samantha na nakikiusap.
Ngunit binigyan niya lang ako ng malamig na tingin sabay sabing...
"Yah sure. As if naman hawak namin desisyon mo. Tara na Dianne" yun lang ang sinabi niya at umalis na siya.
Hays.
Galit ba siya?
Tinignan lang ako ni Dianne at sinenyasang susundan niya na si Samantha. Tumango lang ako.
Humarap ako kay Ivan.
"Asan si Chaichai?" Tanong ko agad.
"Grabe! Si Chaichai agad hanap?!" sabi niya
"Wag moko artehan. Asan anak ko?!" pinalo ko pa siya sa braso
"Aray! Oo na oo na. Andon sa baba, nasa car ko." sagot niya habang pinipigilan kamay ko.
"ANO?! BAT MO INIWAN SA KOTSE?, PANO PAG NAMATAY YON SA LOOB?" Naiinis kong singhal sakanya at tumakbo papuntang parking lot.
"Teka! Hintayin mo naman ako! Nakabukas aircon non! To kahit kailan OA!" Natatawang sigaw niya.
Nakarating akong kotse niya at nakita ko agad si chaichai sa loob. My babyyyy.
"Hoy kupal buksan mo to biliiis" Nagmamadali kong utos sakanya .
Inismiran niya lang ako tas binuksan naman ang kotse.
Sinalubong ako ng talon ni chaichai habang nagdinidilaan ang mukha ko.
Naiiyak ako.
Namiss ko anak ko.
Lumapit naman mula sa likod ko si Ivan at hinawakan din si chaichai sa ulo habang buhat ko ito.
"She missed you" Usal niya.
"I missed her more Ivan." Sagot ko habang naluluha.
Sumakay na kami sa kotse at dun daw kami maguusap. Cheap nito. Di man lang ako dalhin sa restaurant. Chos.
Hawak hawak ko padin si chaichai na ngayon ay natutulog na sa lap ko.
Hinihimas himas ko lang siya habang naluluha.
"Im sorry" pambabasag ni Ivan ng katahimikan.
"Im really sorry Annastacia."
Hindi ako umimik. Hinihimas himas ko lang si chaichai. Hinayaan ko lang siya magsalita.