Chapter 14

522 19 8
                                    

Yumi's POV

Naglalakad lakad ako dito sa may sea side. Maya maya lang ay aalis na kami. Si Ann naman nauna na. Ewan ko ba don. Praning e. Kala mo laging iiwan ni Sam.

Napahinto ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Hindi kona kailangan tignan ang taong yon dahil sinasabi na ng puso ko kung sino siya. Potangina. Apakorni mong nilalang Ramos!

"Hey." ika niya.

Pinisil ko yung kamay niya.

"Hey." Sagot ko

Ngumiti siya ng malungkot.

"Why? May problema ba?" tanong ko.

"Usap tayo." seryosong sabi niya.

May problema nga.

"Yeah, sure." hawak hawak ko padin yung kamay niya. Hindi ko alam. Pero baka pag binitawan ko, bitawan na rin niya ako.

"Uh, hindi ko alam kung paano sisimulan." natataranta siya, di siya mapakali.

I pulled her closer.

"Relax. Look at me. Breathe okay?" pagpapakalma ko sakanya.

Huminga siya malalim bago nagsalita.

"Naguguluhan ako." tumingin siya sakin with teary eyes.

"Saan?" naguguluhan ding tanong ko.

"Sa nararamdaman ko." tumahimik nalang ako.

"I must admit. I like you. But I can't" nakatungo niyang sabi.

"Why?" ang nasabi ko nalang. Hindi ko din alam ang mararamdaman ko. Hindi ako tanga para hindi malaman ang nakaraan nila ni Kath.

Umiling lang siya ng paulit ulit habang humihikbi. Hinawakan ko ang baba niya para iharap siya sakin. Tinignan ko ang mga mata niya. Naguguluhan siya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pinunasan ko ang mga luha niya saka siya niyakap.

"Don't cry. I understand" sambit ko.

Lalong lumakas ang hikbi niya kaya lalo ko nalang siyang niyakap.

"I'm sorry. I'm really sorry. "

I'm rooting for you. Go get your girl back.

Ann's POV

Nagising nang may gumalaw sa tabi ko. Nasa sala kami ngayon, sa sofa. Nakatulog pala kami habang nanonood. Napangiti ako at dahan dahang tumayo. Inayos ko siya ng higa.

"Uhhhmm" ungol niya.

Napalunok ako. Kaya tumayo nako ng tuluyan.

Tinignan ko ang orasan, 11 na pala. Magluluto na ako. Pumunta ako sa kusina at tinignan ang laman ng fridge. Sakto may manok pa dito.

Nagsaing muna ako sa rice cooker saka nagluto.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang may biglang yumakap sa likod ko.

Napangiti ako.

"Hmm? Gising kana pala" panimula ko.

"Hmmm" tanging naisagot niya lang.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at humarap sakanya. I cupped her cheeks and laugh at her face.

She gave me a glare kaya hinalikan ko nalang siya noo.

Still YouWhere stories live. Discover now