Chapter 10

363 8 0
                                    

Ann's POV

"Mom... Ate.."

Nakita ko na din sila sa wakas. Si ate medyo tumangkad, pumuti. Si mama naman ganon padin naman. Wala naman masyadong nabago.

Nagtitigan lang kami for a minute ng magsalita ang Daddy.

"Okay girls. Magtititigan nalang ba kayo?"

I wanted to hug them. Tell them that I missed them but Im scared.

"I wanna rest. Im going to my room now. Excuse me." pambabasag ni ate sa katahimikan.

Kinuha niya na ang bag niya saka ako nilagpasan para pumunta sa kwarto niya. Okay.

Tinignan ko si mom. And nakita ko kung pano tumulo ang mga luha sa mata niya.

"My baby .." she said habang unti unting lumapit sakin.

Tinignan ko si Dad pero ngumiti at tumango lang siya. Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap na nanggagaling sa aking ina.

I can't help but to cry too. I missed her. So much.

"I've missed you baby. I'm missed you"

I hugged her. Too tight.

"I'm sorry. I'm really sorry baby" Hikbi niya. Miss na miss kita mommy. Sorry lumayo ako. Sobra lang akong nasaktan. I'm sorry too.

"I'm sorry too mommy. Sorry po sa l-lahat" umiiyak din na sagot ko sakanya.

She kissed my forehead na may katagalan.

"I'm gonna make sure na hinding hindi kana masasaktan na magisa. I love you anak. Hinding hindi kana malalayo sakin anak ko"

Anak.. Matagal kong hindi narinig sakanya yon. Mommy..

Gusto ko din yon mommy. Ayoko na pong lumayo sainyo.

----------

Pagkatapos ng drama namin ni mommy sa lobby ay umakyat nako.

Pagpasok ko sa pinto nakaabang na agad sa akin si Samantha.

Baby...

Wait what?

"Hey, you okay?" nagaalalang tanong niya.

I smiled. Hinapit ko siya sa bewang at mahigpit na niyakap. Halatang nagulat siya dahil nanigas siya sa ginawa ko.

I chuckled.

"I love your scent. I miss you" bulong ko sakanya at hinalikan ang buhok niya.

Samantha's POV

Kahit naguguluhan ako sa ikinikilos niya, ay yumakap pa din ako sakanya.

"Miss? Eh magkasama lang tayo kanina?" asar ko sakanya.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako.

"Bawal ka bang mamiss? Sinong namimiss mo? Si James?! Ha! Edi dun kana!" Mahina niya akong tinulak at tuluyan lumayo sa akin.

Nagulat ako sa inasta niya.

Is she jealous?

I smiled.

I like it Ann.

Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod.

"Hey, I miss you too. I was just joking. Are you mad?"  usal ko. Ang landi ko huhu.

Tinanggal niya ang mga kamay ko na nakayakap sakanya at humarap sa akin na sobrang nakangiti.

"No. I'm not mad. Tara, malapit na magsunset. Nood tayo sa tabing dagat!" masayang sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Still YouWhere stories live. Discover now