Lunch na pero nagbubulungan padin kami ni Dianne. Hanggang ngayon kasi di kami kinakausap ng dyosa nato
"Kep kausapin mo nga yun" Turo ko kay Samantha
"Gago bat ako?! Ikaw na! Sayo naman inis yan di sakin e!" Saad niya
Kinakabahan man ngunit nilapitan ko padin si Samantha. Nakaupo padin siya sa chair niya at eto ako ngayon nakatayo sa harap niya habang si Dianne andon na sa may pinto ng classroom at sinisenyasan ako ng thumps up amputa.
Napatingin bigla sakin si Samantha. I gulped
"What?" She coldly said.
Hoy huhu bat ka kasi to nagagalit
"I-its lunch. Tara na sa cafeteria?" Aya ko
Sana pumayag na to. Gutom na talaga akoooo
"No. Im not hungry." Saad niya
"Hindi pwedeng hindi ka kakain Samantha" Pagaalala ko sakanya
"I said I'm not hungry. If you're that hungry then leave." Maaaaa! Ang cold po huhu
"O-okay?" Aalis na sana ako nang bigla siyang napabuntong hininga. Hays. Ano nanaman ba kasi problema Samantha?
Magsasalita sana ako ngunit biglang nagvibrate ang phone ko.
Nagtext si Dianne.
'Kep ano? Bababa ka pa ba? Nag text si Cha e. Sabay daw kami lunch. '
Tinignan ko si Dianne at sinenyasan na mauna n siya bumaba. Tumango naman siya at umalis. Napansin ni Samantha na umalis na si Dianne pero di ako sumama.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya
Umupo ako sa tabi niya.
"Im sorry. If may nagawa man ako. Bakit kaba nagagalit? Dahil ba sa balak ko kanina na pumasok ng late?" Pagkausap sa kanya
Napabuntong hininga naman siya.
"Yes. But I'm sorry din. Kasi I over reacted. I was just worried lang naman talaga kasi may quiz tayo sa first subject tapos magpapalate ka?" She pouts.
Tangina ang cuuuuute.
I held her right hand and smiled.
"Di na uulit, promise!" I even raised my right hand.
Pinitik niya noo ko. Aw!
"Don't promise. Just do it okay?"
"Hmmp! Okay! Bati na tayo ha!" I said
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. Amp. Anong trip nito sa mukha ko ha?
Baka trip ako?
(Assumera amputa)
Edi don't. Epal si author amp.
"Bati na. Tara, lunch tayo. To be honest, gutom talaga ako e" She laughed
Tumawa din ako at hinila na siya patayo. Naglalakad kami papuntang cafeteria ng bigla niyang kunin ang cellphone niya sa bag niya.
Napansin kong kumunot ang noo niya so i asked her.
"Why? Who is it?"
"Ah wala. Si mommy lang, nagtatanong kung kamusta na ako" Sagot niya.
Okay?
Nakarating kami sa cafeteria at nakita namin agad si Dianne na nasa table nila Cha.
Nakita din kami ni Dianne na pumasok sa cafeteria kaya kinawayan niya kami at tinawag.
