Chapter 11

363 10 0
                                    

Ann's POV

Asan na yun? Kanina ko pa hinahanap si Sam pero hindi ko siya makita. Tinanong ko sila mommy pero di naman daw nila alam kung nasan.

Argh Samantha asan kaba?

Nakasalubong ko si Kath na may kasamang foreigner. Aba aba aba. May tinatago pala tong harot!

Agad ko siyang nilapitan.

"Hoy" hinampas ko siya

"Aray! Bat kaba namamalo? May kasama akong pogi dito panira ka!" sigaw niya

"Maharot ka ah! Kala ko ba tulog na kayo ni Cha?!"

"Eh nagising ako e! Bat ba! Alis kana shoo shoo!" etong gagang to tinulak tulak pako.

"Teka teka sandali! Alam mo ba asan si Samantha?" tanong ko.

"Kasama nila Dianna at Nicole. Andon sila sa café nayon" tinuro pa niya yung direksyon.

"Ah ge thanks. Bye! Use condom!!" sigaw ko at tumakbo ng napakabilis dahil alam kong manghahampas yon HAHAHAHAHA

malapit nako sa café at natatanaw ko na si Samantha. Waaah. Yung puso ko..

Napatigil ako ng makita ko ang kasama niya bukod kay Dianne at Nicole.

Ate?

Pumasok nako sa café at nagsalita.

"Hey, what's going on here?" tanong ko.

Lahat sila nagulat ng bigla akong nagsalita.

Luh ginagawa ko sainyo?

Napatingin ako kay Samantha pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Huh? May nagawa bako? Bakit parang ayaw moko kausapin? Kanina pa kita tinatawagan Samantha.

"Sam are you ma-" diko natuloy sasabihin ko ng putulin ni Ate

"Can we talk?" napatingin ako sakanya. Nakikiusap ang mga mata niya. Sino ba naman ako para tanggihan ka ate?

"Uh s-sure" kinakabahang sagot ko.

"Uhm una na kami, bye ate Yumi" paalam ni Samantha at kumaway pa sa ate ko.

Luh? Hoi andito din ako!

"Maguusap pa tayo Niks. " madiin niyang sabi kay Nicole.

Ha? Magkakilala sila?

"Pano kayo nagkakilala?" tanong ko. Bakit ba, chismosa ako e.

"Ah they had s-" Mabilis na tinakpan ni Nicole ang bunganga ni Dianne at hinila palaba ng café. That's weird.

Tumawa lang si Samantha at sumunod din.

Hoi asan yung bye ko?! Bat si ate lang?!

"I'm guessing that you like her?" panimula niya.

Napatingin ako sakanya. Is she talking about Sam?

"Samantha. You like her, do you?" tanong niya.

I smiled. Yes ate. I like her so much.

"Sa ngiti mong yan, alam kona yung sagot hahaha" tawa niya.

Namiss ko to. Kausap ka.

Nang mapansin niya na nakatingin lang ako sakanya habang tumatawa siya ay tumigil siya at parang na awkward. Umupo na kami sa upuan kung saan sila nakaupo ni Samantha kanina.

Still YouWhere stories live. Discover now