Samatha's POV
Habang nasa klase, iniisip ko yung nangyari kahapon. She was just trying to wake me up? Bat ang lapit niya?
Does she still like me too?
And I can't believe na inisip niyang nagkabalikan kami ni James?! Really Ann?!
Ang manhid manhid mo padin. Sarap mong batukan minsan.
Sa totoo lang ako yung nagrequest kay Daddy na kay Ann tumuloy. I really want to be with her kasi.
I really really like her. Kahit noon pa. Natakot lang ako sa sasabihin ng ibang tao noon kaya ko nasabing wala lang yung saamin noon.
And that was my biggest mistake.
Tinry kong ituon yung atensyon ko sa lalaki simula nung lumipat kami. Kaya ko naging boyfriend si James.
Minahal ko siya. Hindi ko naman maitatanggi yon. Ang akala ko nga siya na. Pero hindi pala.
Nung lumipat ako sa school na to at nakita ulit si Ann. Bumalik lahat ng nararamdaman ko para sakanya.
Pwede pala yon no? Kahit matagal mo ng hindi nakikita yung tao. Andiyan padin yung feelings mo. Natatabunan lang.
"Tara sa cafeteria" Yaya sakin nung dalawa.
H-huh?
Lunch na?
Gosh, ganon ako katagal nagisip?!
"Uh yeah." Nasabi ko nalang dahil shock padin ako haha
Nang makarating kami sa cafeteria ay umupo kami sa table nila Cha.
Ewan, lagi naman kaming andito. Dahil kay Dianne. Hay
Pagbigyan, sa ngalan ng pagibig haha
"Ay oo nga pala. Bago ko makalimutan. Lumipat dito sa school natin yung pinsan ko. And niyaya ko siya mag lunch kasama natin. Is that okay?" Tanong ni Cha.
"Uh yeah ofcourse. Wala namang problema don. Mas marami mas masaya diba? " Ngiting ngiting sabi ng katabi ko. (Ann)
Maya maya lamang ay dumating na yung guy na pinsan ni Cha.
"Hi" nakangiting bati niya
"Oh ayan kana pala. Friends ko sila. And girls, eto si Ivan, pinsan ko." pagpapakilala ni Cha
I smiled lang. He's cute
Nagpakilala na din yung iba naming kasama.
Akala ko nga magrereact si Dianne dun sa "friends" ni Cha pero hindi. Kaya napatingin ako sakanya
Nakatingin lang siya kay Ann na tila nagaalala?
Okay?
Napatingin ako sa katabi ko na nakayuko at tahimik na kumakain.
Okay anong problema nito?
"Hey, are you o-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita yung Ivan.
"Annastacia" Tawag nung Ivan.
Magkakilala sila?
Tinignan siya ni Ann at nginitian.
"Uy hi haha. Long time no see ah!" Sabi ni Ann
May iba e.
May di bako alam?
Ngumiti si Ivan with sadness in his eyes.
"Okay? Magkakilala pala kayo ni Ann e! That's great!" masiglang sabi ni Cha.