Ann's POV
Gumising ako at napansin kong wala na akong katabi.
Where the fuck is she?
Pumasok muna ako sa cr para mag toothbrush at maghilamos.
Pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko makita si Samantha, what the fuck.
Nakita ko si ate Yumi na naglalakad sa seaside. Dali dali akong lumapit sakanya.
"Ate!" sigaw ko.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Hey, what's up?"
"Nakita mo si Samantha? Hindi ko siya makita sa kwarto pag gising ko"
Napayuko siya at mukhang hindi niya alam ang sasabihin sa akin.
"Ate? Okay ka lang ba? What happened?" kinakabahang tanong ko.
"Lil sis. Ano kase e..." hindi siya mapakali.
Nagstart nako mag panic
"Ate ano ba? Magsalita ka naman ng maayos!" naiirita kong sabi.
"Umuwi na siya Ann." mabilis na bigkas ni ate at pumikit pa.
What?
Why?
"Ha? Bakit daw? Sinabi niya ba sayo kung bakit?"
Umiling si ate.
Tumakbo ako papunta sa kwarto at inayos ang mga gamit ko.
Uuwi nako. Pupuntahan ko siya.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, bumaba nako at dumiretso sa kotse.
Tinext ko si Daddy para sabihing umuwi nako dahil may kailangan kong sundan si Samantha, ganon din ang ginawa ko sa mga kaibigan namin
Hindi ako mapakali, is she ditching me?
What went wrong?
Ugh Samantha, you're making me crazy again.
Nakarating na ako agad sa apartment. Dali dali ko binuksan ngunit wala siya doon.
Shit.
Asan kaba?
Lumabas ulit ako at patuloy na hinanap si Sam.
Pumunta akong school, park, and dun sa little haven namin. Pero wala siya.
Mag gagabi na. Pero diko padin siya mahanap.
Ugh
Did I do something wrong?
Pumunta nalang ako sa bar at nagwalwal, chos.
Uminom ako. Konti lang naman. Sobrang disappointed lang talaga ako sa nangyari.
Hays.
After ng ilang oras umuwi na rin ako.
Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa kusina.
Uminom lang ako ng tubig para mahimasmasan.
"You're here" halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita.
Pag lingon ko , nasa sala si Samantha.
Nakaupo siya at tila galit pa.
Ikaw pa may gana magalit ngayon? Iniwan mo kaya ako sa beach!
Inirapan ko lang siya at akmang didiretso sa kwarto.
Mabilis siyang tumayo at pinigilan ako.
"Hey, I'm talking" sabay hawak niya sa braso ko at nakakunot pa ang noo.