Chapter 3

147 8 13
                                    

"Telling the truth and making someone cry is better than telling a lie and making someone smile."
-Anonymous

*******

Chapter 3

I was in the middle of the road again when I saw that girl. Malinaw na ngayon ang kaniyang mukha.

Nakangiti s'ya habang naglalakad papalapit sa 'kin. Nang makalapit na nang tuluyan sa 'kin, nilapit n'ya ang kaniyang mukha sa aking tenga.

"You already found me," bulong nito.

Magsasalita na sana ako, ngunit isang malakas na tunog ang bumulabog sa akin.

Agad ako napabangon at kinuha ang alarm clock sa side table ko. Agad ko ito pinatay.

Napahilamos ako sa aking mukha ng maalala ang nabitin kong panaginip.

"Letse."

Napatingin ako sa alarm clock ko. It's already 6:15 a.m.

Kahit 11 a.m. pa pasok ko, kailangan ko na pumasok ng nine 'o clock para tapusin ko na ang dapat na tapusin.

Inalis ko ang kumot sa katawan ko at umupo sa gilid ng kama. Humikab ako habang nakatunganga sa kawalan.

Muling bumalik ang tagpuan namin kagabi. Kahit madilim, makikita mo pa rin kung gaano kahaba ang kaniyang pilik mata. Ang mga labing mapula-pula at ang kaniyang tawa na kay sarap pakinggan kahit mainggay ang kapaligiran pero parang ang tawa niya lang ang nanggingibabaw sa lahat. Ang mga mata niya, parang hinihipnotismo ako nito.

Napasabunot ako sa aking buhok.

"Ahhhhh!!!" sigaw ko dahil sa frustration

Muli ako napahiga sa kama ko.

"Tomboy na ba ako?!?" tanong ko sa sarili ko. Agad ako napabangon sa higaan. "Tangina naman! Anong nangyayari sa 'yo, Gaelic Dash?"

Parang timang na ako sa iniisip ko. Tumayo na ako 'tsaka naglakad papunta sa banyo. Kinuha ko muna ang tuwalya na nakasampay sa aking upuan na nasa working table ko dumaretso na sa banyo.

Habang naliligo, hindi ko pa rin maiwasan ang kaniyang magandang mukha.

"Magkakaroon pa kaya tayo ng pagkakataon na magkita?" tanong sa sarili ko, habang kinukos-kos ang aking buhok na may shampoo. "Mukhang impossible mangyari."

Muli ko binuksan ang shower at doon ko dahan-dahan kinuskos ang buhok na may shampoo hanggang sa mawala ito sa buhok ko. Pinatay ko ang shower at saka nilagyan ng conditioner ang aking buhok, pagkatapos ko lagyan. Sinabon ko na ang katawan ko at kinuskos ng sponge bath. Muli ko binuksan ang shower at nagbanlaw na ng tuluyan.

Nagtapis na ako ng tuwalya pagkatapos ko maligo. Ginawa ko na ring tuwalya ang damit na sinuot ko at pinalupot ko sa buhok ko.

Pagkalabas ko sa banyo, naglakad ako sa cabinet ko at naghanap ng damit na susuotin. Kinuha ko ang black skirt na halos kalahati lang ng aking hita. Beige long sleeve naman ang pang itaas ko. Papatungan ko na rin ito ng blazer na itim.

Nang matapos ko na ito suotin lahat, pumunta na ako sa salamin kung na saan ang mga make ups ko. Katabi lang nito ang kama ko.

Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon