Chapter 23

52 7 0
                                    

Chapter 23

PAGKABABA na pagkababa ko sa lobby ay agad kong nakita sina Steph at Justine na nakangiti na parang tanga.

"A-anong meron?" tanong ko sa kanila pagkalapit ko.

Agad naman tumaas ang kilay ni Steph. "Today is friday."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Soooo?"

"Nakalimutan mo na agad 'yong pinag-usapan natin sa coffee shop noong tueday? C'mon, Dash." Lumipat ito sa 'kin at isinabit ang braso sa braso ko. "Hindi na tayo kailangan pumunta pa sa bar para maghanap pa ng babae. May ipapakilala ako sa'yo. And, I'm sure you will like her. Right, Justine?"

Napatingin ako kay Justine na nakatingin rin pala sa 'kin. Sobrang lapad ng ngiti sa kaniyang mukha.

"Yeah, We are sure that you will like her."

Pareho ko sila tinarayan. "Convoy tayo. Send me the address." aniya ko. Nilagpasan ko silang dalawa at nauna ng naglakad papuntnag parking lot.

Habang binubuksan ko ang sasakyan ko, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Stephanie.

Stephie:

Doon tayo sa paborito mong coffee shop.

Hindi ko na siya ni-reply-an. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko atsaka pumasok na sa sasakyan.

Ilang minuto lang naman ang biyahe papunta sa paborito kong coffee shop kaya agad ako nakarating doon.

Hinintay ko sila Justine sa labas ng shop para sabay na kami pumasok sa loob. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin silang dalawa.

Binati kami ng guard at ng mga empleyado ng shop. Dumaretso kami sa paborito kong spot, ang sabi kasi ni Steph ay nandito daw sa labas ang ipapakilala niya sa 'kin...

Nauuna ang dalawa papunta sa apatan na upuan kung na saan may naka-upong babae. Nakatagilid ito sa 'min at abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Apple." maligalig na tawag ni Steph sa babae.

Umangat ang ulo nito at tumingin sa gawi naming tatlo.

"Stephanie." Agad ito tumayo at lumapit kay Steph para bigyan ng halik sa pisngi. Lumapit rin ito kay Justine pagkatapos niya kay Steph at binigyang ng beso.

"Apple, I would like to introduce you Gaelic Dash. Dash, this is Apple. Apple, this is Dash."

Tumingin sa gawi ko ang babae at ngumiti. "Hi, Gae---"

"Just call me Dash, Apple." seryoso kong sambit.

Nawala ang ngiti niya pero agad rin naman bumalik ito.

"Okay. Hi, Dash." Nakangiti niyang inabot ang kamay niya sa'kin.

"Hello." Kinuha ko ang kamay niya at nakipagkamay sa kaniya.

Pagkabitaw ng kamay naming dalawa, nag-aya na ito umupo.

"I already ordered our food. Any minute nandito na rin 'yon." nakangiti niyang sambit.

Hindi ko maiwasan ang titigan siya dahil sa mga ngiti niya.

"Mata mo, Dash." bulong ni Justine na katabi ko lang.

Napatingin ako sa kaniya at napangisi.

"Tinamaan ka sa ganda, 'no?"

Umiling ako. "Maganda lang ngiti niya pero hindi ako tinamaan sa kaniya."

"Ano pinag-uusapan niyong dalawa, Dash at Justine?"

Naunang tumingin si Justine kay Steph bago ako dahan-dahan na tumingin.

Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon