Chapter 4

112 8 2
                                    

Chapter 4

ILANG  linggo na simula nagbukas ang store ko. At ilang linggo na rin walang sawang nagbibigay sa 'kin si Leonardo ng mga bulaklak o ng kung anu-ano pang regalo.

Ilang beses ko na rin ito pinagsabihan na huwag na ako bigyan ng mga regalo dahil halos hindi ko naman nagagamit ang mga binibigay niya. Pero ayun pa rin, hindi pa rin tumitigil sa pagbibigay.

Laking tuwa rin ng mga magulang naming dalawa nang malaman nila ang panliligaw ni Leonardo sa akin.

Hindi ko alam, pero hindi ako masaya sa nangyayari sa aming dalawa ng matalik kong kaibigan. Kahit kailan hindi ko naisip na magiging kasintahan ko siya balang araw. Tanging pagkakaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman dahil baka dumating ang araw na iiwasan niya ako, natatakot ako mangyari 'yun sa aming dalawa. Pero ayoko rin naman siya paasahin sa wala.

Siguro darating rin naman ang araw na mamahalin ko rin siya tulad ng pinapakita niya sa akin, 'di ba? Pero hindi ko talaga maipaliwanag at hindi ko nakikita sa hinaharap na magiging kami.

Napabuntong-hininga ako. Nandito ako ngayon sa kitchen, naghahalo ng mga ingredients ng cake para sa in-order ng mayor sa darating na kaarawan ng kaniyang anak.

Bukas pa naman ito pero kailangan ko na gawin ngayon para design na lang mamayang gabi.

Pagkatapos ko haluin, inilagay ko na ito sa malaking pabilog na pan, at inilagay sa oven. Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay sa lababo. Winalsik-wasik ko ito pagkatapos ko hugasan at pinunasan na ito, naglakad ako papunta sa stainless na lamesa at doon ko isinandal ang katawan ko.

Until now, naaalala ko pa rin ang babaeng nakita ko sa pinuntahan naming mall—ilang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko maipaliwanag ang tunay kong nararamdaman.

Gulong-gulo ako. Gusto ko muli siya makita at makausap kahit saglit lamang na parang ayaw.

Muli ako napabuntong-hininga.

"Malabong mangyari ang gusto mo, Iris. Taga Angeles siya at taga Arco City ka. Napakalayo ng oras ang ibabyahe para lang makapunta doon. 'Tsaka kahit maliit na syudadang 'yon, mahirap pa rin humagilap ng tao doon. Papaano mo siya makikita sa nun?" tanong ko sa sarili ko.

Muli ako humugot ng malalim na hininga. "Ang dami mong iniisip, Iris. Huwag mo na siya idagdag pa."

Umayos ako ng tayo at naglakad papalapit sa oven para tignan ang nilagay kong pan sa loob. Nang makita hindi pa masyado umaalsa, nagdesisyon ako na lumabas muna sa kitchen. Automatic naman na namamatay ang oven kapag natapos na ang set of time.

Itinanggal ko ang apron na suot at isinabit sa doorknob bago tuluyang lumabas.

Counter o mastinatawag nilang casher ang agad na sasalubong sa'yo pagkalabas ng kitchen.

Sabado ngayon kaya marami-rami rin ang mga taong nagsisipuntahan sa store ko.  Bukod kasi kilala ito sa buong Arco City, dinadayo rin ito ng mga turista na nagpupunta dito. Malapit na ang buwan ng Marso kaya marami-rami na ang turista dito para magbakasyon.

Kilala ang Arco City dahil sa makukulay na building, daanan, bahay, at iba pa. Bukod doon, kilala rin ito sa yamang dagat. Napakaraming iba't-ibang yaman dagat ang makikita sa karagatan ng Arco. Mahigit kalahating oras rin mula dito bago ka makarating sa Arco Resort at Hotel.

Masrarami pa ang mga tao dito kapag sumapit na ang hapon. Hapon kasi ang karaniwang oras ng uwian ng mga may trabaho at may klase kapag sabado.

Lumapit ako kay Donna, isa sa mga empleyado ko. Siya ngayon ang nasa cashier. Tinulungan ko siya sa pag aasikaso sa mga customer na nag-o-order. Ako ang taga pindot at siya ang nagbibigay ng mga order nila.

Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon