Chapter 8
NAPATINGIN ako sa glass door ng opisina ko ng may kumatok dito.
Napatingin ako sa digital clock sa bandang kanan ng opisina ko. It's already 5:45 p.m. Ilang oras na rin pala ang nakakalipas simula nangyari ang kanina.
Muli ako napatingin sa pintuan nang may kumatok ulit.
"Pasok." sigaw ko.
Unti-unting bumukas ang pintuan, inuluwa nito si Leonardo.
"L-leonardo?" gulat kong sambit ng pangalan niya. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanita. Tumigil ako sa harapan niya, may tamang distansiya pa rin ang pangitan naming dalawa.
"Ilang linggo ka hindi nagparamdam sa akin, Leonardo. Nakakatampo ka." mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Pasensiya na, Iris. Alam mo na medyo nasaktan kaya hindi nagparamdam."
"Sorry." malungkot kong sabi. "I'm really sorry. Ayoko naman umasa ka sa isang bagay na hindi ko kaya ibigay sa'yo. Hanggang pagkakaibigan lang talaga---"
"Ayos lang, Iris. Ayoko rin naman itapon ang ilang taon nating pagkakaibigan dahil lang sa nararamdaman ko."
Napangiti ako sa sinabi niya kaya maslalo ako lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Naramdam ko rin na hinalikan ako nito sa aking buhok.
"Nasaktan ako sa pag amin mo pero masnanaig sa akin ang pagkakaibigan nating dalawa. Alam kong hindi ka pa handa sa ganoong bagay at nabigla ka sa mga sinabi ko at sa mga gawa ko. Titigil ako pero umaasa pa rin ako na darating ang panahon na magugustuhan mo rin ako." malungkot niyang sambit.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling binigyan ng awang ang pagitan namin.
"Leonardo..."
"Huwag mo na ituloy ang sasabihin mo, Iris. Tanggap ko na pero hindi buo... By the way..." inabot niya sa akin ang isang paper bag. "Regalo ko para sa'yo."
"Para saan naman ito?"
"Regalo ko sa'yo. Ilagay mo dito sa opisina o hindi kaya sa kwarto mo."
Naiilang kong kinuha ang paper bag at binuksan ito. Kurtina ito na kulay green pero hindi siya ganoong green na green parang dirty green siya.
Napatingin ako sa kaniya. "Salamat."
"Nirecommend 'yan sa akin ng kaibigan ng Kuya Red mo. Dash name niya."
Napangisi ako. "Dash? Sinong Dash? Wala naman akong kilalang kaibigan ni Kuya Red na mahilig sa ganito at wala akong kilalang kaibigan ni Kuya Red na may Dash ang pangalan." medyo may pagtataka sa boses ko.
Nagkibit-balikat siya sa akin. "Maganda siya and I think ilang taon lang agwat nila ni Red."
"Oohh."
Tumalikod ako sa kaniya at naglakad pabalik sa lamesa ko, inilagay ko ang paper bag na binigay ni Leonardo sa akin sa lamesa.
"Dinner?"
Muli ako humarap sa kaniya. "Sure." napatingin ako sa cellphone ko na nagri-ring, "just wait a minute. Si Kuya Red." aniya ko. Tumango sa akin si Leonardo.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito.
"Yes po, Kuya?" aniya ko pagkasagot ko sa phone.
"May lakad ka ba after mo diyan sa store?"
"Bakit?"
"Sumama ka sa amin ni Kuya Ash mo. May pupuntahan tayong dinner."
"Sige, Kuya Red." sambit ko.
BINABASA MO ANG
Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED]
Ficción General"Life is full of unpredictable events. Darkness will be your friend in the time when you are weak. But, once you meet your own rainbow, you will see the real value of life. Is it?" credits to @LROA_26 sa cute book cover.... ---- start: 05-04-21 end:...