Chapter 6
WALANG buhay akong naglakad papasok sa bahay namin.
"Anong nangyari sa'yo, Iris?" tanong ni Kuya Red.
Nakaupo ito sa sofa kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Kuya Lex at Kuya Andrei. Naglalaro mga ito ng xbox sa sala.
"Pinatigil ko na si Leonardo sa panliligaw." sagot ko.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad hanggang sa hagdanan. Tumigil ako at tumingin sa kaniya. Halos lahat sila ay nagtatanong na nakatingin sa akin.
"At bakit?" si Kuya Lex.
"Anong nangyari, Iris?" si Kuya Andrei.
Halos sabay nilang tanong.
"Hindi ko siya gusto. Ayaw ko siya paasahin sa isang bagay na alam ko na hindi ko maiibigay." sagot ko.
"Hindi mo siya gusto? Sa nakikita namin ay parang gusto mo siya. The way you smiled and laugh at him parang may iba." si Kuya Andrei.
"Sayang naman siya." desmiyadong sambit ni Juya Lex.
Nagkibit-balikat ako sa kanila. "Wala, eh, hindi ko siya gusto kaya wala na ako magagawa."
"Hindi mo ba siya magawang mahalin?" seryosong tanong ni Kuya Red.
Napakagat labi ako tumingin sa kaniya at umiling. "Alam ko sa sarili ko na hanggang pagkakaibigan lang kaya ko ibigay kay Leonardo, Kuya."
Binitawan ni kuya ang hawak niyang joy stick. "Wait lang mga p're kakausapin ko lang si Iris." Tumayo ito at saka lumapit sa akin. Hinawakan nito sa siko ko at inalalayan ako papuntang taas hanggang sa kuwarto ko.
Pinaupo ako nito sa kama ko at hinila nito ang upuan ko sa working table ko at inilagay sa harapan ko, doon siya umupo.
"Anong tunay na nangyari?"
"Wala."
"Magsabi ka ng totoo, Iris."
"G-galit ka ba?" malungkot kong tanong.
Ngumisi ito sa akin at umiling. "Hindi. Gusto ko lang malaman ang totoong dahilan."
"Hindi ko siya gusto at 'yan ang totoo, Kuya Red. Alam mo naman kapag hindi ko gusto ang isang bagay o kahit na sino sinasabi ko agad. Ayaw ko sila... siya paasahin."
"Bukod doon wala na?"
'Siya. Dahil sa kaniya rin. Napakagat ako sa aking labi. Nagdadalawang isip kung sasabihin pa ba ang isang dahilan o hindi na. Pero kapatid ko siya. Bahala na.
Napakagat ako sa aking labi. "Meron pang isa."
"Isa?" napataas angkaniyang kilay sa sinabi ko. "Tell me then, Iris."
"H-hindi ko alam kung pa-paano ko siya sasabihin, Kuya."
"Ikwento mo simula umpisa. Hayaan mo mga Kuya mo sa baba, maghihintay naman sila sa akin."
BINABASA MO ANG
Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED]
Beletrie"Life is full of unpredictable events. Darkness will be your friend in the time when you are weak. But, once you meet your own rainbow, you will see the real value of life. Is it?" credits to @LROA_26 sa cute book cover.... ---- start: 05-04-21 end:...