Epilogue
"I saw Dash in Arco Hotel...."
Agad ako napalingon kay Leonardo pero iniwas ko rin agad ang aking tingin dahil nakatingin ito ng seryoso sa akin.
"... with an another girl."
"Are you sure that is Dash?" rinig kong tanong ni Kuya Red.
Lumapit ako sa lababo para hugasin ang hawak kong peras.
"Yeah. Maraming nagbago sa kaniya." sagot ni Leonardo.
"Like?" si Kuya CJ.
"Lahat ay nagbago, mula ulo hanggang sa padadamit. Hindi ko nga siya nakikila nung una pero dahil sa tingin niya ay agad ko siya nakilala." sagot nito.
Kinuha ko ang hiwaan at kutsilyo atsaka hiniwa ang peras at inilagay sa platito.
"We should talk to he---"
"For what Kuya Red?" tanong ko. Umupo ako sa bakanteng upuan. "For sure kinalimutan na niya ako dahil sa ginawa ko---"
"Ginawa mo lang ang nakakabuti sa 'yo, Iris." si Kuya Asher.
Nakita kong umiling si Leonardo at tumingin kay Kuya Asher, "Nakakabuti sa kaniya? I beg to disagree. Umpisa pa lang ay mali na ang ginawa ni Iris, Asher. Hindi tayo aabot dito kung sinabi niya lang kay Dash ang lahat." aniya.
"Sa ikabubuti niya naman ang ginawa niya." sagot ni Kuya Asher.
"Sa sinasabi niyo na ikakabuti niya ay may taong nasaktan." Tumingin ito sa gawi ko. "Dash deserves to know everything you have been through. I know that you still love her, Iris."
Yumuko ako at kinuha ang isang pirasong peras bago ko ito kinagatan.
"Leonardo is right." sabat ni Kuya Red. Agad ako napalingon sa kaniya. "Alam kong hindi madali ang mga nangyari sa 'yo, but Dash deserve your explanation, Iris." aniya, sabay tingin sa akin.
Sa araw mismong 'yon ay nagplano sila na puntahan si Dash sa Angeles City bukas mismo.
Napag-alamanan namin na nasa isang coffee shop si Dash kaya agad kami nagtungo doon. Habang naghihintay sa labas ng nasabing shop, nakita namin ni Kuya Asher sina Leonardo, Kuya CJ, at kuya Red na hawak ng mga guard habang pinapalabas.
Agad kami nagtungo sa kanila at inalalayan bumalik sa kotse namin. Napansin ko rin ang pula sa pisngi nina Kuya Red at Kuya CJ kaya agad ako nagtanong sa kanila kung anong nangyari sa loob.
Ikinuwento nila ang kaganapan sa loob ngAng sabi nila ay si Dash daw mismo ang sumuntok kay Kuya CJ at ang ex naman nito ang sumuntok kay Kuya Red.
Napagpasiyahan na lang nila na sa parking lot na lang maghintay sa paglabas niya. Ilang saglit lang ay lumabas na rin sila.
"D-dash?" tawag ko sa kaniyang pangalan.
Tama nga si Leonardo, maraming nagbago sa kaniya. Ang kaniyang buhok ay naging buhok lalaki na. Ang kaniyang pananamit ay ibang-iba sa kasuotan niya dati. Ibang-iba na rin ito kung maglakad, ang dating mahinhin ay parang nakawala sa hawla.
Nakita kong hinawakan nito ang kamay ng kaniyang katabi bago ito tumingin sa kaniyang likuran.
"Tara na." rinig kong sambit niya.
Pinagmamasdan ko kung paano nito hilain ang babaeng hawak niya at ipinapasok sa loob ng sasakyan.
"Dash." nangingig kong tawag sa kaniya.
Walang buhay ito humarap sa amin.
"Siguro naman ay naintindihan niyo ang sinabi ko sa inyo kanina?" she said coldly.
BINABASA MO ANG
Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED]
Ficción General"Life is full of unpredictable events. Darkness will be your friend in the time when you are weak. But, once you meet your own rainbow, you will see the real value of life. Is it?" credits to @LROA_26 sa cute book cover.... ---- start: 05-04-21 end:...