Chapter 19
PAGKABALIK namin sa lamesa, agad nagpaalam si Iris na sa bahay siya matutulog. Nung una ay nagulat pa ang iba dahil ang alam nila ay hindi kami ganoon ka-close, maslalo na ang Kuya Red niya.
Ang palusot ni Iris ay gusto niya pag-usap ang pagpapatayo ng negosyo niya dito at gusto niya daw maslalong lumalim ang pagkakaibigan naming dalawa. Wala naman magawa ang mga kapatid niya sa desisyon niya at agad naman pinayagan ito.
Alas dose nang maubos ang lahat ng alak na nasa lamesa. Hindi na rin kami nag-order pa dahil ang iba sa'min ay may mga lakad pa kinabukasan.
Nauna ng umalis ang karamihan sa'min, tanging kami-kami na lang ang natira sa private room.
"Hindi ka pa ba uuwi, Ateng?"
Napatingin ako sa kaibigan kong nakasandal sa braso ni Asher.
"Hintayin muna natin sina Red at Leonardo bago tayo magpaalam." aniya ko.
"I'm so excited to have you tonight, Babe." bulong ni Iris.
Mabuti na lang talaga ay wala ang dalawa at malaya kaming apat gawin ang lahat.
Napansin kong hinalikan ni Asher si CJ sa labi nito kaya agad ako kumuha ng chips at ibinato sa kanila.
"Tang ina naman, CJ." naiiritang sambit.
Tumigil ang mga ito sa paghahalikan at natatawang tumingin sa'kin.
"Naiinggit ka?" katyaw mg kaibigan ko.
"Hindi." sagot ko. "Nandidiri ako sa nakikita ko. Hindi ko na-imagine na hahalikan ka ni Asher."
"Ay taray mo naman pala. Yabang nito. Hoy, pareho lang tayo. Hindi ko rin na-i-imagine na hinahalikan ka ni Iris."
Tinarayan ako nito at tumingin kay Asher. Hinawakan nito ang pisngi nito at inumpisahang halikan muli.
Gwapo naman ang kaibigan ko pero ngayon ko lang nakita ito humalik ng lalaki sa mismong harapan ko.
Napangisi ako. "Ang yabang."
"We can try it to his car later, Babe."
Agad ako napatingin kay Iris. Natingin ito sa mga mata ko. Napangiti ako dahil sa binigay niyang ideya.
"We should try to his car. Para naman may ala-ala tayong maiiwan sa sasakyan niya."
Kinuha ko ang kape na binigay kanina ng isang employee nila Red at ininom ito. Napahawak ako sa hita ni Iris at pinanggigilan ito.
"Good idea, Babe. I think we need to go home now para magawa na natin 'yon." aniya ko.
Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Dahil doonam ay agad naman naglayo sa isa't isa sila CJ at Asher.
"Sorry medyo natagalan. Uuwi na ba kayo?" tanong ni Red. Mapupunggay ang mga mata nito.
"Ayos na rin naman si CJ kaya pwede na kaming umuwi."
Tumingin ito sa'kin at tumango. "Mag-inggat kayo. Paki inggatan kapatid ko."
"Ako na bahala sa kapatid mo." sambit ni CJ, habang inaayos ang dapat na nakusot ni Asher kanina.
Sabay-sabay kaming lahat na lumabas ng club at nagtungo sa parking lot. Inihatid muna kami nila sa sasakyan ni CJ bago sila umalis.
Sa back seat kami umupo ni Iris at nasa harapan naman si CJ.
Nakasandal ako sa kinauupuan ko habang nakapikit. Muli ko kasi nararamdaman ang alak sa sistema ko.
Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Iris na nasa kamay ko kaya napadilap muli ako at napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Rainbow's Conflict (GxG) [COMPLETED]
General Fiction"Life is full of unpredictable events. Darkness will be your friend in the time when you are weak. But, once you meet your own rainbow, you will see the real value of life. Is it?" credits to @LROA_26 sa cute book cover.... ---- start: 05-04-21 end:...