Chapter 7: Make Her Special
Allen's POV
Ako nga pala si Allen De Guzman, kapatid ako ni Ate Alynna. 3rd year high school na ko and 15 years old. Lapitin ako ng babae pero hindi naman ako playboy na tulad ng iba, friendly naman ako at rumerespeto sa kababaihan. At isa na dun si ate, kilala ko siya kapag nasasaktan o may problema. Kilala ko din siya kapag masaya at nagkukunwari. Ilang taon na ang nakalipas about sa kanila ni kuya BX akala ko nga hindi na sila maghihiwalay dahil para silang perfect couple pero hindi pala ganun yun kadali. Alam ko yung totoong nangyari kung bakit sila naghiwalay, sinabi sa'kin lahat ni kuya. Oo naniwala ako kay kuya kasi nakita ko yung girl at narinig ko din yung usapan nila ng personal.
[FlashBack]
Naglalakad ako sa street namin, galing akong grocery dahil ayaw lumabas ni ate binili ko lang siya ng mga favorite foods niya. Hindi na namin pinasuyo sa mga kasama namin sa bahay dahil madami na silang ginagawa. Nakita ko si kuya BX na may kaaway na babae.
"Ano ba BX bitawan mo nga ako!"
"Bibitawan lang kita kung titigilan mo si Alynna! Nakuha mo na ang gusto mo diba? Hiwalay na kami at boyfriend mo na ko. Ano pa bang gusto mo?"
"Gusto ko BX? Tinatanong mo kung anong gusto ko? Maging akin ka lang naman yung wala na akong iisiping may iba ka. Yun lang! Mahirap ba?"
"Hindi mahirap, dahil hindi ko kaya. Wala naman kasi akong nararamdaman para sayo diba? Naging tayo lang dahil kay Mama! Hindi kayo pwede mawala sa company shares namin dahil mawawalan kami ng panggastos at si mama mawawalan ng gamot."
"How dare you! Girlfriend mo ko bakit ganyan sinasabi mo ha? Mahal mo naman talaga ako diba?"
"Alex enough. Wala naman talaga akong nararamdaman para nga sayo.--"
"Pero kaya mo naman akong matututunan mahalin diba? BX diba? Kahit hindi ngayon maghihintay ako." biglang umalis si Kuya BX. At yung girl iyak lang ng iyak. Inisip ko na siguro yun ang problema ni ate ayoko man makialam pero gusto ko lang naman sabihin yung totoo.
Naglakad na ako papunta sa bahay...
BLAG!!
Si ate! Agad akong umakyat sa kwarto ni ate at nakita ko siya nahimatay.
"Ate!" Pinagpahinga ko lang muna si ate hanggang sa nagising siya. Sinabi ko kaya ate yung mga nakita ko. Hindi siya makapaniwala, hindi niya alam yung ire-rect niya. Nalaman ni mommy ang lahat ng nangyari kay ate kaya naman pinasunod niya muna ito sa States. Doon daw muna si ate ng mga 5 buwan.
Alynna's POV
Lahat ng nakikita ko puti. Lord, nasa langit na po ba ako? inikot ko yung mata ko sa paligid, nakita ko sa gilid ko si Kiel, binantayan niya pala ako? Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Teka, paano ba ko nakauwi dito sa bahay? Tska napanaginipan ko na may isang lalakeng naghatid sa'kin dito sa bahay nasa loob nga kami ng kotse eh. Hindi ko alam kung panaginip yun kasi parang totoo pero malabo kasi, hindi ko makita yung mukha niya. Salita lang siya ng salita, para ngang kilala ko siya eh kaso hindi ko matandaan. Ang naintindihan ko lang sa mga sinabi niya 'Lagi kitang babantayan kahit na nasaan ka pa.'
"Alynna?"
"Kiel, gising ka na pala." natatakot ako sa kanya.
"Alynna? Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Saan?" sunod sunod niyang tanong.
"O-okay lang ako, medyo masakit lang yung ulo ko. uhm, bakit ka nga pala nandito? Ikaw ba yung nagdala sa'kin dito sa bahay?" biglang nag iba yung ekspresyon niya.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionLaro nga lang ba? O pagmamahal na? Imposible pero pwedeng mangyari. © 2014 ~MisSkater❤