Chapter 6: HURT BUT SAVED

240 8 0
                                    

Chapter 6: HURT BUT SAVED

Alynna's POV

Pagod na pagod ako sa biyahe kahapon. I miss them alot, yung mga kakulitan nila, yung mga corny jokes nila. At eto nanaman kailangan kong gumising ng maaga dahil may pasok nanaman. Haaays.

"Ate, gising na. Sasabay ka ba sa'kin?" tawag ni Allen sa'kin.

"Uh, oo wait lang hmmn 5 mins. pa pwede?"

"Eh, ate kasi.."

"Allen naman! Bibilisan ko naman eh. Maya konti pwede?" Nararamdaman ko pa din yung presensya niya. Ano bang hindi maintindihan ng kapatid kong 'to ha?

"Ano bang tinatayo tayo mo dyan?"

"Ate! Kasi andyan nga si Kuya Kiel eh kanina pa. Hinihintay ka." Napabangon ako bigla. S-si Kiel? Nako may kasalanan pa ko dun eh.

"Hehe ganun ba? Sorry." at ginulo ko ang buhok niya.

"Ate! Nakakaasar ka! Sige na, aalis na ko. Baka malate pa ko kung sasabay pa ko sa inyo. Mahirap na madaming pang naghihintay na chiks sa labas sakin" At kumindat. Aba! Napaka hambog talaga nitong kapatid ko.

"WHOO! Biglang humangin ng malakas ah! Babagyo yata."

Then he glared at me. Hahahaha!! Teka natatakot akong bumaba, hehe si Kiel kasi eh. Pano na to? Kinakabahan ako eh. Ano ba to! Aissshh!!

Paglabas ko ng kwarto haaay hinga ng malalim, sige eto na talaga. Hmmn ehh! Huhuhu. Bumalik ulit ako sa kama ko. Ano ba yan?

"Alynna?" Hala?! Si Kiel yun ah? WAAAAAAH!! anong gagawin ko? Hala! Help me!!

"Alynna!" nakatalikod lang ako sa kanya. Huhuhuhu hoy! tulungan niyo ko!

"Uy, Babe! Ano ba?! Bakit ba ayaw mo kong harapin? Nakakapagtampo na ha? May problema ba?" Habang iniharap niya ako sa kanya. Ehhh? So, hindi niya sesermonan o kahit ano?

"H-ha? Ahh Ehh kala ko kasi galit ka? Kaya di ako bumababa atska natatakot kasi ako -.-" Haaay, kahit papano naalis yung kaba ko dun ah?

"Bakit naman ako magagalit sa'yo Babe? Pero.."

"Pero... ano?"

"Wala, maligo ka na at kumain sa baba may pasok pa tayo." Haaays, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kapag nagtatampo siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kiel Gregory Santos alam kong nagtatampo ka. Kay--"

"Alynna, papasok tayo. Hindi tayo lalabas at hindi tayo magdiditch okay?"

"P-pero gusto ko makabawi s--"

"Papasok ka? o hindi mo muna ako makikita?"

"Oo na papasok na. Pero hindi ka na nagtatampo?"

"Bilisan mo na lang." At lumabas na siya ng kwarto. Grabe nakakaiyak na.

After kong maligo at magbihis bumaba agad ako at kumain. Nakaupo lang siya sa harap ko at nakatingin sa kawalan. Ang bigat sa pakiramdam, nagtatampo siya dahil kahit konti hindi ko siya naalala. Pagkatapos kong kumain nauna siya sa kotse. Siguro mas maganda kung magcocomute na lang ako dahil mas masakit lang kung nandyan nga siya hindi ko naman makausap.

"M-magcocomute na lang ako Kiel." palakad na sana ako nang..

"GET IN!" nagulat ako sa sigaw niya. Never niya pa kong sinigawan ng ganyan.

"I SAID GET IN!" Naluluha na ko konti na lang papatak na siya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nang makarating kami sa school, agad akong bumaba at tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad pero ang alam ko lang gusto kong umiyak. Nagtext na lang ako sa classmate ko na paki excuse ako dahil nagkasakit ako bigla kaya naman hindi muna ako makakapasok sa klase ng prof. namin ngayon atsaka ito pinatay.

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon