Chapter 9: Remembered

31 0 0
                                    

Chapter 9: Remembered

Nakangiti akong pinagmamasdan ang dagat habang nakaupo kami sa ilalim ng puno sa tambayan namin. Wari'y di alam kung saan mag uumpisa at paano.

"Bakit kailangan niyo umalis? Di ka na ba masaya dito?"

"Sabi kasi ni mommy para daw sa ikabubuti ng lahat. Wala din naman akong magagawa eh."

"Hindi ba pwedeng siya na lang yung umalis? Wag ka na niya isama? Matagal ba kayo dun"

"Lilipat na kami ng bahay, malayo siya.. malayo sa inyo... malayo sayo."

"Pero bakit?!"

"Di ko alam." nalungkot ako at bakit ganito ang naging tema ng paghihiwaay namin.

Niyakap ko siya ng mahigpit, ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa pagyakap sa kanya.

"Anak! Halina at aalis na tayo." Ibinaba ko ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko at sinimulang punasan ang luha niya.

"Simula ngayon ayokong iiyak ka sa harap ng ibang tao. Ayokong nakikita ka ng iba na nahihirapan ka na. Ayoko na magpapaapi sa kanila. Gusto ko maging matatag ka sa lahat ng bagay. Kahit para sa sarili mo lang." Hinalikan ko siya sa noo niya at tumakbo ako patungong sasakyan.

Iniwan ko siya..

Iniwan ko na siya..

Di ko na siya makikita..

Wala na akong babalikan pa..


Napabangon ako sa hinihigaan ko ngayon. Nakita kong bukas ang laptop at cellphone ko. Nakatulog pala ako. Teka, nanaginip ako? Naalala ko siya, bakit siya bumabalik? Bakit napanaginipan ko siya? Bakit? Anong meron?

Dala lang siguro ng stress 'tong napanaginipan ko. Nakakatawang isipin babalik ang isang taong matagal mo nang hindi nakita at nakausap. Imposible! Ni hindi niya nga ako magawang mahawakan. Hindi niya nga ako magawang kausapin o lapitan. Ngayong malaki na kami, hindi niya man lang ipaglaban yung nararamdaman niya sakin. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Bakit? Ganun pa din ba siya ka-importante sakin? Ganun na lang ba yung parte niya sa buhay ko? Ganun ko na lang ba siya kamahal? Mapaglaro nga naman ang tadhana. Napakaimposibleng pangyayari naiisip ko.

--

Kiel's POV

"Kahit anong gawin ko, hindi ko mahiligan ang paglalaro ng COC na 'to. Sabi nga nila, kung ayaw mo, wag mong pilitin." Parang pag mamahal lang yan eh. Kung ayaw sa'yo ng tao wag mong pilitin, di mo alam nagsasayang ka lang ng oras sa isang taong walang ginawa kundi ang PAASAHIN ka.

"Pero kung pipilitin ko, baka sakaling mas makasama ko si Alynna sa paglalaro ng COC." Parang pagmamahal, kung ipaglalaban at ipagpapatuloy mo, malay mo may kwenta kung pagsisikapan. Baka dahil dito mas makasama ko siya ng walang pag aalinlangan.

"Pero paano kung magpakatotoo na lang kaya ako?" *inom ng sprite* "Mas magugustuhan niya siguro ako. Mas magiging okay siguro kami." Kung ihahantulad sa pag-ibig, maging kuntento ka sa kung anong meron ka, wag ka na maghanap pa ng iba. Maging loyal ka sa kung anong meron ka.

Basta bahala na. Just go with the flow and that's it!. I'll fight for her at the end. Papatunayan kong ako lang sa huli at ako ang pipiliin niya sa huli. May the best man win!


--

A/N: Sorry po sa super late UD sobrang busy sa school works. so yea, maliit na UD hahaha babawi ako as in! :) thank youuu!~~ 

-LoveLots <3



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon