Kabanata VI - Medicine

3.3K 110 16
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  


Mabilis akong nagtitipa sa keyboard, ginagawa ang article tungkol sa pakikipanayam ko kay Manong Jose. Narinig ko ang munting paggalaw ni Zac mula sa kama, napalingon ako sa kanya. Ang himbing ng tulog nito, pinukulan ko ng tingin ang nakapatong sa night stand niya, wala siyang ganang kumain dahil wala siyang malasahan. Pinainom ko na siya ng gamot. Tumawag ako kanina kay Sir Henrie upang ipaalam na sa bahay ko na lamang gagawin ang aking trabaho at sa email na lang ng Editor in Chief namin ipapasa ang nagawa kong article. Agad naman siyang pumayag.

Hindi niya alam na ang tinutukoy kong bahay ay ang suite ni Zac.

Ctrl+S. Sinave ko muna ang nai-type ko bago tumayo at tahimik na isinara ang bintana ng kwarto, lagpas ala-sais na kasi ng gabi at lumalamig na ang hangin.

Pagkaharap sa direksyon ni Zac ay nakalabas ang ang mga daliri niya, mariin siyang nakakapit sa kumot na para bang nanginginig. Dagli ko siyang dinaluhan.

"Zac," dinama ko ang noo niya. Mas lalong tumaas ang lagnat nito. "I need to call a doctor." Akma na kong tatayo ng hinawakan niya ang aking braso at hinatak upang makahiga sa tabi niya.

"Embrace me."

Body heat to lessen the chill. Umalingawngaw ang tinig niya sa aking isip. Sinabi niya ito noong nasa Tagaytay kami, hindi ko pa siya nobyo noong mga panahong 'yon. Napaka-in denial ko pa noon at binu-bully ni Zac para ma-in love ako sa kanya. Basta ang weird kung paano naging kami. Natatawa na lang ako 'pag naaalala ko 'yon.

Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga bago nakisama sa pagtalukbong sa kanya sa malambot at makapal na kumot upang mayakap siya.

"Tighter," maski ang pagbulong niya ay nanginginig kung kaya ay mabilis akong sumunod.

I'll do everything just to make him fine.

"My poor, Zac," I murmured kissing him slowly.

"This is horrible," mabagal niyang sabi. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa'kin.

"Do you want me to get another blanket?"

"No. You and I, this pillow and blanket will do."

"Okay."

"Stay with me." Ikalawang beses na niya 'tong sinabi.

"Okay."

"Thank you."

"Okay."

"I'm sorry."

"Okay."

"Marry me." Napahinto ako ng sandali at napako ang tingin sa mga mata niyang nakapikit.

"Okay," I whisper, "my lord," I added

"Very well, my lady." Naging payapa na ang ekspresyon niya kaya akala ko'y nakabalik na siya sa mahimbing na pagkatulog pero mali ako dahil bahagya akong napatili nang pinaglaruan niya ang garter ng bra ko sa'king likuran.

"Masakit 'yon ah," angal ko na may kasamang banta na kapag inulit niyang – "Yzaack Kevin!" sigaw ko.

"You just don't shout to sick Yzaack," nakasimangot niyang sambit.

"Eh kung magpahinga ka na lang kasi kaya!" Hinampas ko ang dibdib niya at tuluyan ng umiyak.

"Hey," tumigil na siya sa paglalaro ng garter ng bra ko at napalitan ng marahang paghimas ng likod ito. "I'm sorry..."

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon