"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"
Tatlong araw bago ko natanggap ang invitation card ni Henrie. Tatlong araw ang pinalipas niya kung kailan sa sunod dalawang araw ay engagement party na niya! Mariin kong ipinikit ang mga mata at binalak na punitin ang baby pink and red card na hawak ko. Pero syempre hindi ko kaya, sayang effort. Pero ang pampo-power trip ng kumag na Henrie na 'yon ay hindi makakatakas sa'kin.
"HENRIE!" Sigaw ko nang masagot niya ang tawag.
"A-ahh, nasa banyo siya, eh." Napatigil ako at saglit na napatingin sa cellphone. Isang mabining boses ang aking narinig. Halata ang pagka-alangan at pagkagulat niya dahil sa pambungad kong tono.
"Sorry." Syempre dahil sa lohikal akong tao, mukhang alam ko na kung sino 'to, diretsuhan ko na siyang tinanong. "You're his fiancée." Dineklara ko na dahil obvious naman.
"Yes, I am. Sandali na lang at lalabas na siya, sa tingin ko." Napaangat ang dalawa kong kilay. Ang boses ng babaeng 'to, sobrang mahinahon. Napapaisip tuloy ako kung paano siya magalit.
"Hindi. Ayos lang. What's your name, anyway?"
"I'm Baya. You are Mary, right?" Oh. Madalas siguro akong naku-kwento ni Henrie sa kanya. Medyo nakaka-flattered naman.
"Yes. Paano mo nalaman name ko?" nangingiti kong tanong.
"Naka-register dito sa phone ni Henrie," banggit niya na parang kahit isang grade 1 student ay kaya rin iyong sagutin.
Biglang bumagsak ang naka-plaster kong ngiti sa labi. Oo nga naman, bakit hindi ko naisip 'yon agad? Gustong-gusto ko kasi na naiku-kwento ako sa iba, lalo na 'pag puro papuri. Wala lang, pandagdag self-confidence.
"Speaking of Henrie, pakisabi diyan sa gunggong mong asawa–"
"Fiancée," pagtatama niya ngunit binalewa ko lamang.
"Papunta rin kayo 'don – na letse siya, dinadagdagan lang niya sakit ng ulo ko. Buset talaga siya."
"Actually he heard it."
"What do you mean?" This time ay hiniwalay kong muli ang cellphone sa tenga ko. Narinig ko ang pagtili ni Baya sa kabilang linya at sunod-sunod na tunog ng mga halik. Instinct ko na siguro ang makapagpapaliwanag kung bakit ko agad na pinatay ang tawag.
"Pre-honeymoon. Tss." Nabaling ang atensyon ko sa pintuan. May kumatok ng tatlong beses at pinagbuksan din ni Eva ang kanyang sarili. Kakaiba talaga.
"Ate, four days na lang bee-day na, oh. Bili na tayo ng dress," puno nang pagmamakaawang banggit ni Eva.
As if namang may iba pa kong choice 'diba? Isa pa, kailangan ko na ring makapili ng damit na maisusuot, hindi lang para sa pa-importanteng engagement party ni Henrie kundi para na rin sa birthday ni Mama.
"Fine. Maghanda ka na. We'll leave after fifteen minutes." Napatalon si Eva sa tuwa.
"Yeay! So, can I use my car?" nagniningning ang mga mata niyang tanong. Kabibili lang din kasi niya ng kotse mula sa sarili niyang pera. Hindi naman ako masamang ate kaya pumayag na 'ko.
"Sure, pero tandaan mo, Eva. Mahal ko ang buhay ko."
"Mahal ko rin ang buhay ko. Isa pa, hindi pa ko pwedeng ma-deds may nag-aabang pang love life sa'kin."
"Well, get ready. Alam kong magtatagal ka pa sa pagpili ng masusuot mo."
❥❥❥❥❥
Tatlong paper bag sa kaliwang kamay at apat na paper bag sa kanang kamay. Believe me, wala pa 'kong napipili dahil lahat ng hawak ko ay bili lahat ni Eva. Parang isang taon siyang hindi nakapag-shopping at lahat ng natipuhan niya ay bibilhin niya agad. Walang tingin-tingin sa price tag, diretso sukat at abot ng debit card niya sa cashier.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Mary
ChickLit💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in this book