Apat na araw ang lumipas. Tanghali ngunit hindi mo dama ang sikat ng araw. Humid ang atmosphere dito at tahimik lang akong naglalakad sa exclusive park ng estate nila. Ako lang mag-isa. Hindi ako nakapagpaalam kina Ninong dahil umalis sila para asikasuhin ang cake shop nila. Wala rin naman akong balak magpaalam kay Zac.
Mas nadagdagan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Mas maganda pa noong nag-aasaran kami. Pero ngayon, ang hirap indain. Ninanakawan ko siya ng tingin lagi at hindi ko talaga mapigil ang sarili kong hindi titigan ang labi niya. Hanggang panaginip ko, nandoon siya at binabagabag ako ng kanyang halik. Sa panaginip na 'yon, gumaganti ako ng halik pabalik sa kanya. Masyado pa ngang fancy ang panaginip na 'yon dahil nakaupo kami sa ulap at maraming mga heart-shape na bubble version na biglang puputok. As in plop, plop, plop.
That dream was an eye-opener. I realized that I fell in love with him more and harder. Harder than before without noticing how it really happen.
Tama. Ngayon pang wala ng edad na humahadlang sa'ming dalawa, hindi ko na kayang pigilan ang puso kong mahalin siya ng sobra. Who would have thought na magiging ganito kalala ang mararamdaman ko sa kanya sa kabila ng pang-aasar at pang-aalipusta niya sa kapandakan ko at kapayatan ko noon?
I am seriously in love with him. Ang pang-aasar na lang niya, 'yon na lang talaga. Ang hindi niya pagseseryoso sa tuwing kausap niya ako ang probema.
May patutunguhan ba 'tong lovestory ko?Sa pisting labindalawang taon, hindi ako nahulog sa ibang lalaki na masugid at walang humpay na sinusuyo ako. Oo, wala pa akong naging boyfriend. Sa iisang lalaki lang talaga nakareserba ang puso ko at naiinis ako sa sarili ko kung bakit si Isaak Kebin pa. Oo, pinaasa niya ko sa, I LOVE YOU niya. Kahit na naiinis ako sa tuwing nababalitaan ko kay Ninang at Mama na nagpalit na naman siya ng girlfriend niya. Inaayawan ko na siya. Sumusuko na ako. Pero natatagpuan ko pa rin ang sarili ko sa katotohanang babalik at babalik pa rin ang damdamin ko para sa kanya. Mahal ko pa rin siya.
Unang beses ko pa lang na narinig na may nobya na siya, naguho na lahat ng pangarap ko kasama siya. Ang inaasam-asam ko na magiging akin siya, tuluyang naglaho. Kaya madalas kong inuubos ang oras ko sa pagtatrabaho. Kasalanan niya kung bakit naging workaholic ako.
Noong una akala ko puppy love lang dahil fourteen years old pa lang ako noon pero nagkamali ako. Malay ko ba sa science at malalim na definition ng love noon? Malay ko ba na ganito pala kaseryoso ang umibig. Pahamak pa ang mga halik na binibigay niya sa'kin ng wala man lang explanation kung para saan ba 'yon. Halik pa nga lang niya sa'kin sa noo, tungki ng ilong at pisngi nangangatog na ako. What more pa noong sa labi na?Ang Far, Far, Away pa. Parang planado niya talaga akong surpresahin do'n. Dumagdag pa 'yon kaya...wala na. Natuluyan na ako.
Mahal na mahal na mahal ko na siya ng sobra.
◊◊◊
Hapon na nang napagpasiyahan kong maglakad pauwi ng bahay. Nakayuko ang ulo ko at ang bigat ng balikat ko habang tinatahak ang daan papuntang bahay. May ilang bata akong nakikitang nagba-bike, paikot-ikot lang sila dito. May ilan naman na nagpapasyal ng aso nila at halos puddle at shih-tzu ang nakikita ko... mga kalahi kong maliliit.
Naramdaman kong parang may nakatingin sa 'kin kaya iniangat ko ang tingin ko. Hindi naman ako nagkamali dahil ang lalaking hindi ko mapigilang isipin ay ilang hakbang na lang ang layo mula sa 'kin at matamang nakatitig sa'kin. Hindi ako makakilos at hindi rin siya kumilos. Nag-marathon na naman ang three and a half kangaroo sa puso ko. Hindi na naman ako makahinga ng maayos.
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap, hindi nagpapansinan, at nag-iiwasan ng tingin. Syempre agad 'yong napansin nina Ninong at Ninang at ilang beses na tinanong kung nag-away na naman ba kami. Pero kapwa lang kaming nagkibit-balikat pilit na iniiwasan ang tanong nila.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Mary
ChickLit💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in this book