"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"
"Damn you, Zac for making me feel this helpless," bulong ko sa sarili habang tumatalon-talon para makuha ang box ng cereal sa pinakatuktok ng cabinet dito sa kusina.
Upuan? Ekis. Wala. Missing in action. Dahil ang kumag ay itinago lahat ng upuan at lahat ng mga bagay na pwede kong pagtungtungan para maabot ang pakay ko.
Tumalon pa ko nang pagkataas-taas ngunit dahil sa tangkad kong taglay ay hindi ko talaga iyon maabot. Huminto ako at sumandal sa may lababo. Hingal na hingal na ako, mga kalahating oras ko na rin kasing sinusubukan na maabot ang tuktok ng cabinet para makuha ang box ng cereal. Wala lang, pang-midnight snack, inatake kasi ako ng gutom.
Isa pa, hindi talaga ko makatulog dahil nag-away kami ni Zac kaninang umaga.
"God, I'm just cooing the baby!"
"Eh bakit ang sweet ng boses mo sa kanya? Sa'kin hindi!"
"Because it's a baby! God, how could you be this so naïve?"
Me, naïve? Tinaas ko ang aking kamay sa ere, lebel lamang sa'king katawan. Hindi-makapaniwala na sinabi niya ang salitang 'yon sa'kin. Tumalikod ako agad dahil naramdaman ko ang pag-init ng ilalim ng aking mga mata.
"I am leaving you, Zac," puno ng hinanakit kong banggit habang tinutungo ang daan papuntang pintuan.
"You can't live without me!" gulat at hindi makapaniwalang-sabi niya.
Humarap ako sa kanya at pinamewangan siya, "Of course, I can. Twelve years nga tayong walang contact kinaya ko. Ngayon pa kayang dalawang taon pa lang tayong magkasama?"
"'Lang?' Nilala-'lang' mo lang ang two years na 'yon?" bumuntong-hininga siya. Bakas ang hinanakit sa ekspresyon.
Ganoon din naman ako, pero nakakainis kasi! Nakakainis!
"You Listen to me, Mary. Tinanggap kita sa kabila ng kapandakan mo, sa paggising mo sa'kin tuwing gabi para lang mag-midnight snack. Tiniis ko ang kadaldalan ng keyboard kapag nagta-type ka kahit na puyat ako tapos ngayon ganito lang?!" suminghot-singhot ako at parang batang pinunasan ang aking luha.
"Wala pa nga tayong isang linggo na nagbabakasyon dito nagre-reklamo ka na ng ganyan? Paano pa kaya 'pag kinasal na tayo? Paano 'forever na'tin?" humihikbi kong banggit.
"Walang Forever. Hindi ka ba nakikinig kay Adan?" napailing ako.
Si Adan ay ang realistang kapatid ko counter believer ng forever.
"God, I can't believe we're having this conversation," pagsuko ko at pinagpatuloy na ang lakad. Bago pa ko makaabot sa pinto ay naunahan na niya ko papunta roon.
"What the hell, Yzaack!" Naiinis kong singhal dahil ang anak ng tipaklong ay ni-lock ang pintuan, "paano ako makakalabas niyan?"
"Sino'ng nagsabi sayong pakakawalan kita? We are tied to each other, Mary. Whether you like it or not. You're mine," sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya. "And remember my pretty little lady...we're engage," malamig niyang banggit bago ako lagpasan. Mabilis at malakas ang yabag ng kanyang mga paa paakyat ng kwarto at marahas itong isinara.
Napaupo na lamang ako sa sofa at napasandal doon. Mariin akong pumikit, ipinatong ang palad sa aking dibdib tapat sa may puso at dinama ang bayolenteng tibok nito.
Nag-away na kami't lahat-lahat pero kinikilig pa rin ako.
"Damn you Zac and your flowerful words."
BINABASA MO ANG
Marry Me, Mary
Chick-Lit💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in this book