ZAC'S POV: The Invitation

2.1K 88 10
                                    

ZAC'S POV: The Invitation

Days have been passed since I last saw my fiancée - EX fiancée, I mean. I am still thinking possible ideas how to approach Mary again - which I found so hard considering Honey's presence and wicked threats from the past. I hope...I just hope she'll give herself a break and leave me alone.

"Zac!" tawag ni Honey mula sa labas ng opisina ko. Base sa tinig niya ay para siyang exicited at masayang-masaya.

"Come in," niyutral kong banggit.

She's getting well, at least. She's back in her normal Honey. Honey that I used to know, madaling mapangiti, madalas nagbabasa ng libro, hilig makipaglaro sa anak - lahat. She's better when there's no Mary around. I'm praying that soon she'll realize how I am devastated without my lady.

"I won a one week trip to Vigan! All free! I got two tickets." Umarko ang kilay ko pataas.

"Wow," tanging komento ko.

"I was bored last week so I joined contest in twitter. I never expect this, actually." Sinabayan niya 'yon nang mabining pagtawa.

"Can I bring Kellan? I know you still don't trust me after you found out what I did to my son...but, I want to make it up to him. For you to be sure, his Nanny may join us." Hindi ako makapaniwala sa nakikita't naririnig ko, totoo ba ang pagsisisi at pag-aalangang nakikita ko sa mga mata niya? Ang hiya sa ekspresyon niya? Ang mga mungkahi niya "Uh, Zac..." Napakurap ako, hindi agad nakapagsalita sa mga sinabi niya.

"Sure, Honey. I...that's...wonderful of you."

"I plan to ask you to come over but I see you're busy with your studio." Sa kauna-unahang pagkakataon nang magsimula ang katarantaduan sa buhay ko ay nakuha kong ngumiti...ngiting totoo – walang halong pagpapanggap. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"You're going to be okay," Niyakap ko siya nang marahan na agad din niyang ginantihan. "When will you leave?"

"Two days from now," Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa aking mata. "So, I gotta go - need to prepare!" Hindi niya napigilang tumalon dahil sa excitement. "See yah!" Paalam pa niya bago tuluyang buksan ang pinto.

Kumunot ang noo ko nang masilayan si Henrie sa labas. Prente siyang nakasandal sa pader at agad na nagsagi ang tingin naming dalawa. Lumingon sa'kin si Honey, nagtatanong kung hahayaan niyang buksan ang pinto o hindi, nginitian ko siya't tinanguan bilang sagot.

"What brings you here?" Walang ekspresyon kong tanong nang tuluyang makaalis si Honey sa opisina. Narinig ko ang pagtawa ni Henrie bago pumasok sa loob at sinira ang pinto.

"How are you, Zac?" Tanong niya matapos ilapag ang suot niyang coat sa leather couch na malapit sa kanya. Kinuyom ko ang aking kamao, nagpipigil. I know he knows what happened, the nerve of him asking that question.

Pinili ko na lamang na hindi sagutin ang tanong niya, baka kung ano pa ang masabi ko. Isa pa, ang eksena noong gabing 'yon ay biglang nanumbalik sa isipan ko. Maraming araw na ang nakalipas simula nang maghiwalay kami ni Mary. Hindi ko alam kung ano'ng diskarte na ang ginawa ng boss niya para lamang mas lalong mapalapit sa kanya.

Ideya palang na nasa mutual understanding na ang dalawa ay nagdidilim na ang paningin ko. Mas lalo kong naikuyom ang kamao ko.

"Enough with the segway, Henrie." Inupuan ko ang gilid ng office table ko at humalukipkip, lihim na kinakalma ang sarili at diretso siyang pinukulan ng tingin. "You're not here for nothing."

"Grumpy as ever," naiiling na nangingiting sambit niya. "I'm here to personally - wait, promise me you won't get mad at me first." Iniangat niya ang kanang kamay lebel sa balikat niya. "Promise me." Inirolyo ko ang aking mga mata. Ano ba'ng sasabihin niya?

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon