"Ate Mary!" Napakunot ang noo ko dahil sa may marahas na umuuga ng kama ko. "Bangon na po!"
Naramdaman ko na may tumatalun-talon sa kama. Ugh! Istorbo naman oh!v"May pasok ka pa oh!" Naramdaman ko ang mahinang pagkurot ni Eva sa tagiliran ko at pinagpatuloy ang paggambala sa kulang-kulang ko pang tulog.
"Hmm. Sandali lang," sabi ko at pinanatili pa ring nakapikit ang mata ko sa kabila ng nakababahalang pagyanig ng kama. Kahit kailan talaga, 'tong batang 'to panira eh.
"Ate!" Huminto na si Eva sa pagtatatalon sa kama ko."Kanina pa po nag-alarm ang cellphone mo! You still have 60 minutes for preparation for your work! But remember,your fastest time for taking a bath is 20 minutes. You spent 15 minutes for lazy eating and brushing of teeth. While choosing what dress to wear consumes another 15 minutes and your time travel spends almost 35 minutes! So based on my calculation. Hmmm..."
Naramdaman ko ang pag-stamp ng paa niya sa kama ko, nagme-mental calculation na naman 'to, for hell I know.
"You'll be 25 minutes late if you're still in that kind of position! WAKE UP! Be dynamic! 'Yan ang sinabi ng Professor namin!" Agad akong napabangon. Nauntog pa ko sa matigas na tuhod ni Eva. Aba! Mas maganda pa si Eva na pang-alarm ah! NAKAKA-ALARMA ang mga calculations na binanggit niya sa'kin!
"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!" sigaw ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Malay ko po ba? Mag-ayos ka na po at papasok na kami ng school ni Adan," Paalala niya bago lumabas ng kwarto.
Dagli kong niligpit ang kama. Sa sobrang pagmamadali natabig ko ang picture frame sa bedside table dahilan kung bakit nataob bigla. Inangat ko naman at inaayos 'yon at tadah! Biglang nasira ang araw ko. Ang caricature kasi na binigay sa 'kin ng magaling kong kinakapatid nakita ko! Balak ko na talagang itago pero lagi ko namang nakakalimutan. Masyado na kasi akong focus sa career ko. It's been 12 years since I last saw him.May contact pa rin sila Mama kina Ninang. Ako, di bale na. Wala akong balak kausapin ang lalaking 'yon.Pakialam ko ba don?! Tsk! Sigurado ako. Nagpapakasasana naman siya sa mga babae niya! Ang huling balita ko kasi sa kanya which is last 4 days lang ay kaka-break lang nito sa naging one week girlfriend niya. Samantalang last 2 weeks lang ay nabanggit ni Ninang kay Mama na may naka-break din siyang isa pa! Anong ibig sabihin no'n?Ang bilis niyang magpalit! Ang bilis niyang magsawa! At hindi talaga siya nahihiya sa Mama niya na ibalita ang lahat ng kalokohan niya sa buhay! Siguro sinasamantala niya ang pagiging Editor-in-chief niya sa isang sikat na magazine sa U.K.! Di ko naman maikakailang succesful na talaga siya sa bansang 'yon.At hindi ko rin talaga maikakaila kung marami mang babae ang nakapaligid sa kanya. Bukod kasi sa mayaman at gwapo, gwapo pa din DAW siya.
In-offer pa sa'kin ni Ninang ang latest picture niya na agad ko namang tinanggihan.Ayoko ng pag-aksayahan ng oras dahil maiinis lang ako. Pinaasa niya ako sa I LOVE YOU niya! 'Yon nga, PINAASA. Past Tense! Ngayon hindi na as in NOT ANYMORE! Not anymore nga ba talaga?
Simula nang malaman ko na naging babaero 'tong si ISAAK KEBIN, hindi na ako umasa! Likewise, sa isang tawag lang naman niya sinabi ang tatlong salitang 'yon.Hindi ko rin masasabi kung seryoso 'yon dahil pinutol na niya ang linya niya... at teka! Bakit ko ba binabalikan ang nakaraan? Sheet. Male-late na talaga ako!Kahit wala ka dito, pahamak ka pa rin talaga, ISAAK KEBIN!
I try my best para bilisan ang kilos kong maligo at mag-toothbrush. Basta na lang akong dumampot ng office attire sa cabinet ko. Hindi na ako nag-abalang sipatin ang sarili ko sa salamin. Dali-dali rin akong kumain. Hindi ko na naabutan sila Mama't Papa dahil naroon na siguro sa boutique. After kasi ng graduation ko noong college nag-file na sila ng resignation sa company na pinapasukan nila at nagdesisyon silang magtayo ng boutique.
The said boutique sells branded accessories and clothes and I'm glad na maunlad ang business nila. As of now, meron na silang five braches around Quezon City, Manila and Makati.It also trends online and my siblings are responsible. They pursued our parents to expand the business online to follow the drift. Ayon nga di naman sila nabigo at nag-succeed.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Mary
Genç Kız Edebiyatı💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in this book