Gian's POV:
Naiiling ako habang nakaharap sa computer. Nasa loob ako ng opisina pero ayaw magfucos ng utak ko sa mga tambak ko ng trabaho.
I always remember Jaya. Her sweet scent na nakakaadik.
Parang gusto ko tuloy umalis at puntahan siya whereever she is.
Damn! Ni hindi ko ito naramdaman noon kay Chase.
Yes, we do it.. Madalas noong bago pa lang kami ni Chase.. But Jaya is different. There's something about her na tila hinihila ako papalapit.
Ipinikit ko ang aking mata at sumandal sa sandalan ng aking swivel chair.
Oohhhhmmmm... Giannnnn....
F*ck!
Lihim akong napapamura dahil imbes na makapagrelax ay ang itsura pa din ni Jaya ang nakikita ko.
Inioff ko na lang ang computer at saka tumayo.
I need a break..
Tuloy tuloy na lumabas ako ng opisina at tinungo ang aking kotse.
I must see her..
****
Jaya's POV:
Ang gaga ko talaga... Una kay Matt, ngayon kay Gian na naman..
Tanong niyo kung bakit? Oh well, andito lang naman ako sa harap ng building ng opisina ni Gian. At kung ano ang ginagawa ko....?
I'm stalking Gian Ford!
Kung bakit ba kasi sa katangahan ko ay naisuko ko lahat sa kanya kaya ito pati puso ko tuloy ay natuhog na yata ni kupido..
Hayyy! Saklap naman.. Noong una kay Matt na nagpapanggap na bakla.. Ngayon kay Gian na naman na may girlfriend! Crazy Jaya!
Wala na yata talaga akong pag-asa na magkalablyf nito..
Napadukmo nalang ako sa manibela ng aking kotse.
Saglit lang ay napaangat akong muli ng tingin ng makarinig ng tunog ng paglabas ng kotse.
Agad nagliwanag ang aking mukha ng makita ang kotse ni Gian na papalabas sa parking lot.
Nakatopdown pa ang kotse nito kaya kitang-kita ko siya na nagmamaneho. Nakashades pa ito.
Gwapi din pala si Gian...
Napangiti ako at inistart ang engine ng kotse saka sinundan si Gian.
I'm starting to like him..
Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. Kung saan siya lumiko, doon din ako.. Pero di ako gaanong lumapit baka mahalata niyang sinusundan ko siya.
Saan kaya pupunta ang mokong na ito? Di kaya pupuntahan niya ang gf niya?
Aisssh! Jaya, bakit ba kasi lahat ng kinababaliwan mo ay yung mga di na available o ayaw sayo? Tsk!
Dahil sa pagliwaliw ng utak ko ay di ko napansin na nagpalit pala ng ilaw ang traffic light. Nagulat pa ko ng mapansin ito kaya kaagad na inapakan ko ang preno.
Whew! Muntik na!
Hinanap ko ang sasakyan ni Gian at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa tabihan ko lang ito at nakabaling ang tingin niya sa kotse ko.
Oh no! Naghihinala na kaya ito na sinusundan ko siya?
Buti nalang at tinted ang glass ng aking kotse kundi buko ako ni Gian na sinusundan ko siya.
Kiss.. Kiss... Kiss me... Baby.. Baby.. Kiss.. Kiss...
Napatingin ako sa cp ko na nakapatong sa dashboard. Ringtone ko yan kaya kaagad na inabot ko ito at tiningnan ang caller.
Woaaaaaahhhh...
Gian Ford calling...
Sinulyapan ko siya na nasa tabi lang. May pilyong ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi.
Ewan pero bigla akong kinabahan. Medyo nanginginig pa nga ako ng abutin ang cp at nagdalawang isip pa kung sasagutin ko ba itong talaga.
Hayy Jaya, wag ka na ngang pakipot.. Sagot na bilis!
Napabuga ako ng hangin at pinindot ang answer botton.
"Gian!" bungad ko sa kanya.
"Tss... Antagal mo namang sagutin.." reklamo pa niya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Hmp! Busy ako noh!" kunyari kong sagot. Ayoko namang ipahalata na natutuwa ako sa tawag niya. Ano siya sinuswerte?
"Hahaha! Really? Bakit? Anong pinagkakaabalahan mo?" tila nang-aasar niyang sabi.
Napaarko tuloy ang kilay ko at sinulyapan siya uli. Nakaharap siya sa rearview mirror ng kotse at sinusuklay ng kamay ang medyo nagulong buhok.
Tss.. Papogi effect! Oo na ikaw na ang pogi..
"Wala kanang paki doon!" asik ko sa kanya.
"Oh really? Mukhang di ka naman busy.." may panunudyo pa din sa himig niya.
"Tse! Basta busy ako! Ano bang kailangan mo?" singhal ko sa kanya. Mukha kasing iba ang tinutumbok ng kanyang pananalita.. O sadyang guilty lang ako..
Haaaayyyy.... Buhay parang life..
"Well, kanina ka pa kasi nakasunod sa akin kaya naisipan kitang tawagan.." sambit niya saka tumingin sa dereksyon ko at itinaas ang isang kamay saka kumindat.
Nanlaki ang mata ko sa gulat..
What the hell? Alam niya? Oh crap Jaya! Ang tanga mo!
****
BINABASA MO ANG
Broken Hearts (discontinued)
RomanceILYMG Side Story.. Gian Ford... He love no woman but her.. For him, she all he need to complete his life. But his world cramble when she left him. Jaya Mendez For the first time, she learns to love. But suddenly, they world cannot collide. Her heart...