Jaya's Pov:
Matapos ang pangyayari sa disco ay mas lalong naging close kaming magkabarkada sa grupo ng boyfriend ni Lian.
Wala kang itulak kabigin sa taglay nilang kagwapuhan. Bawat isa sa kanila ay may sariling angking karisma..
Ang mas nakakasundo ko is Louie..
He's fun to be with..
Ang daming bagay na magkaparehas sa aming dalawa..
He's a certified cassanova so as me..
Madalas kasama ko siya sa galaan sa bar, but were just friends.
We just hang out a lot..
Oi Jaya, pansin ko lang ha, extra close yata kayo ni Louie boy? tanong sa akin ni Kate.
Nasa soccer ground kami ngayon at hinihintay namin ang pagdating ni Lian.
Napabaling naman sa akin sina Nina at Nicnic.
Ngumisi lang ako..
Were just friends.. simpleng sagot ko.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Kate.
Celebrity lang ang peg? Wow ha? Nagkasundo ang dalawang cassanova.. himig pang-aasar na sabi ni Kate.
Ngiting ngiti naman si Nina na nakikinig sa amin.
Inirapan ko sila..
Hmp.. Syempre noh! Kailangan kong makahanap ng lovelife.. Para may partner din ako sa Grandball.. Okay ka na kasi tinutulungan ka ni Lian para maging partner si Brad.. Eh ako, hihirit pa ko.. sagot ko.
Napatawa naman si Nina.
Ako nga din eh, wala pang partner. Si Lian may Rave na yun kaya kampante na.. sambit ni Nina.
Nilingon ko si Monique.
Abala naman ang isang ito sa pagmamasid sa paligid.
Sino naman kaya ang hinahanap nito?
Bahagya ko pa siyang siniko kaya napatingin siya sa amin.
Sinong hanap mo? Boys? May crush kana Mon? panunukso ko sa kanya.
Kaagad namang namula si Mon pero higpit na umiling.
Di ah.. Tinitingnan ko lang si Lian kung parating na.. mabilis na sagot nito.
Napatawa nalang kami.
Sa aming lahat si Monique ang pinaka inosente at krungkrung..
Ewan lang kung lumalablayp na din ba ito..
Panay pa ang asaran namin nang dumating si Lian.
Kasunod naman nito si Brad.
Halos mahimatay pa si Kate nang kumpirmahin ni Brad na maging partner na nga sila ni Kate sa Grandball.
Masaya at umaaktibong kwentuhan ang kasunod na tagpo lalo pa at saglit na nakisali sa amin si Brad bago nagpaalam at may klase pa.
Hayyy.. Buti pa itong mga kaibigan ko.. May lovelife na.. Ako kaya? Kelan ko kaya mamemeet ang aking Mr. Right? Sana naman malapit na..
Medyo naiinggit na din kasi ako sa kanila dahil masaya na sa kani kanilang mga lalaki..
Kung tutuusin ako ang pinakahot sa aming grupo.. Eventhough Nina is more beautiful and supermodel, simple lang kasi ito gaya ni Lian.
Mayaya nga si Louie sa Grandball.. Im sure madaming girls ang maglulupasay sa inggit pag siya ang naging kapartner ko.. Trending kami tiyak..
BINABASA MO ANG
Broken Hearts (discontinued)
RomanceILYMG Side Story.. Gian Ford... He love no woman but her.. For him, she all he need to complete his life. But his world cramble when she left him. Jaya Mendez For the first time, she learns to love. But suddenly, they world cannot collide. Her heart...