2 Years Ago.....
"Handa naba mga gamit mo? Aalis na tayo mayamaya..."
"Hanep ka ah, yung mga gamit ko kinakamusta mo, samantalang ako hindi?"
Reklamo ni Azilah sa kanyang binatang driver na pinadala ng kanyang ama para sunduin siya.
"Alam ko namang ayos ka dahil makikita mo na ulit ang papa mo"
Napairap nalang ng wala sa oras ang dalaga at pumameywang.
"Akala mo lang yun, Kai"
Hindi naman na siya pinansin ng binata at pinasok na ang mga gamit sa kanilang sasakyan.
Si Azilah Santos ang pangalawang anak ni Jordan Santos na lumaki sa probinsya. Ang lolo't lola niya sa ina ang nagpalaki sa kanya hanggang sa tumuntong siya ng 17 anyos. Pero dahil matanda na ang mga ito, kelangan na niyang lumipat sa puder ng kanyang ama na ni minsa'y hindi siya inalagan nung bulinggit pa lamang.
Buti na lamang at meron siyang auntie at uncle na naiwan sa probinsya para alagaan ang dalawang taong nagpalaki at nangalaga sa kanya.
---------
Abot langit ang ngiti ni Jordan ng malamang malapit na ang kanyang pinasundong anak. Na excite siya at natuwa na hindi mawari. Siguro ay namiss niya lang talaga ang kanyang anak na ilang taon niyang hindi nakasama.
Lalo siyang napangiti ng makita ang text message ng kanyang kumpare na si Mico.
"Ngayon pala ang dating ng dalaga mo diyan. Hahahah, hintayin mo kami diyan pare, pupunta kami diyan ni Rence para naman mag kakilala na sila agad..."
Desido nga talaga ang dalawa na ipakasal ang kanilang mga anak.
"What is her name again?"
Tanong ng bagong dating niyang masungit na bunso, si Aeron. 15 anyos."Azilah, her name is Azilah. I wish you and your ate will have a good relationship here in our house."
Sabi ni Jordan habang malawak ang ngiti.
"You seems so happy, huh?"
"why not? Hindi natin siya nakasama ng kulang kulang dalawang dekada. Sinong naman hindi sasaya ngayon na makakasama ko na siya"
Umirap at umalis nalang si Aeron sa narinig.
Ganun na talaga ang kinalakihang ugali ni Aeron, masungit, cold, maldito at barumbado.
Pero kahit na ganun, mabait pa rin ang binata.
Hindi mapakali si Jordan ng marinig ang busina ng kotsye na sinasakyan ng kanyang driver na si Kai at ang kanyang anak na si Azilah.
Lalo din siyang na excite at nag lalalakad sa sobrang tuwa. Hindi man niya sabihin, pero sobrang mahal niya ang kanyang anak. Nagsisisi siya na ngayon lang niya ito nakasama ngayong huli na ang lahat.
Agad siyang pumunta sa labas ng kanyang bahay at sinalubong ang anak.
Unang lumabas ang driver na si Kai dala ang kanyang gamit. Naisipan nga pala niyang binata ang ipadalang driver para naman hindi mabagot si Azilah sa byahe.
May itsura naman kasi si Kai, at hindi maitatangging ka akit akit.Napako siya sa kanyang kinatatayuan ng makita ang dalagang anak na nakatayo sa harap niya.
Maganda at mistisa ang dalaga. May mahabang buhok, matangos na ilong, mapulang labi, at magandang kurba ng katawan.
Muntik ng naiyak si Jordan ng makita sa kanya ang kanyang ina na matagal ng namayapa.
Sinalubong niya ang anak ng yakap at hindi mapigilang maluha.
Mukhang aatakihin ata siya neto sa tuwa.
Sa wakas, kapiling na niya ang kanyang anak.
YOU ARE READING
Stashing Feelings
Roman d'amourAt first, everything was just forced. Everything was impossible. But who will expect that him and i can create a story titled "US"