Chapter 21:

23 2 0
                                    

Rence's POV

                "Ate.. Ilang oras kana dito, umuwi kana muna at magpahinga. Baka magkasakit kapa niyan"

Tinapik niya ang balikat ng ate niya at inilalayang tumayo.

"Ayoko..."

Napabuntong hininga muli si Aeron dahil sa naging sagot ng ate niya.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung nawala si papa Jordan, namatay siya pagkatapos ng kasal namin. Sabi ni daddy, hinihintay niya lang na mangyari iyon para wala na siyang iisipin bago umalis sa mundong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka move on si Azilah.

Ngayon nga e nasa sementeryo kami kaharap ang puntod ni papa.

Kahit ako naman nalulungkot din, kahit na nung bago ko pa makasama si Azi, parang tatay ko na talaga si Papa. Naging mabait at mahusay siyang role model sakin kung pano maging responsable at maabilidad na lalaki. Tinuruan nila ako ni daddy kung paano rumespeto lalo na sa mga babae.

"Ate, alam mong hindi gusto ni papa na nagpapabaya ka.. Magagalit sayo yun"

Alam kong nahihirapan din si Aeron, nagpapanggap lang na malakas dahil siguro akala niya, nasa kanya na ang responsibilidad sa ate niya dahil wala na ang mga magulang nila.

"Iniwan na nila tayong dalawa, Aeron... Iniwan na tayo ni mama't papa..."
Walang buhay na sabi ni Azi. Mugto mugto na ang mata niya dahil sa gabi gabing pagiiyak.

Naaawa na din ako ng sobra sa kanya, kaso wala akong magawa! At yun ang sobrang kinaiinisan ko sa lahat.

"Azi, hindi nila kayo iniwan... For sure kasama niyo sila kahit saan kayo mag punta. Babantayan nila kayo for sure"

Hindi siya umimik.

Sinenyasan naman ako ni Aeron para dalhin na pauwi ang Ate niya. Tumango nalang ako.

"Mauna na kayo, I'll stay here for awhile"

Inakay ko na si Azi. Nung una ayaw pa niya pero sumama din kalaunan. Alam ko pagod na siya, physically, mentally at emotionally.

Sobrang cold ng aura niya.

Kahit na nung makarating kami ng mansion, tahimik pa rin siya. Hindi siya umimik kahit na unti.

"Azi.. Sa kwarto ko kana ba matutulog—"

"Hmm"

Nagulat ako sa sagot niya. P-pumayag ba siya?

Dahil ata sa kapaguran, hindi na siya nangahas na tumanggi.

Sabi kasi ni daddy, magsama na daw kami sa iisang kwarto para macomfort ko siya at masamahan sa twing iiyak siya. Pero maiintindihan ko naman kung ayaw niya, marerespeto ko yun.

Dalawa nalang kami ni Azi sa mansion, lumipat na si dad. Sabi ko kahit wag na eh, pero mapilit ang matanda. Inilipat ko din pansamantala sa vice president ng kompanya lahat ng trabaho ko para masamahan ko si Azi.

Pagkapasok namin sa kwarto, humiga agad siya sa kama at pumikit. Hinayaan ko nalang siya para makapagpahinga na siya.

Haist, kung may magagawa lang sana ako...

Nagshower na muna ako bago nagcheck ng mga emails baka kasi may emergency sa company.

Buti naman wala.

Tinitigan ko siya habang natutulog. Teka, tulog na nga ba talaga siya? Hindi pa naman siya kumain.

Pinatay ko na ang ilaw at Tumabi sa kanya para magpahinga din sana. Pero hindi ako mapakali. Hinarap ko ang likod niya at ipinatong ang braso sa bewang niya. Yes, i hugged her.

Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now