"Pareng Jordan! Ano, long time no see ahh!"Sabi ni Mico nang makitang muli ang kanyang kaibigan na si Jordan sa mall na kanyang pinuntahan.
"Oo nga eh, laki ng pinagbago mo ahh"
Agad silang lumapit sa isa't isa at nagkamayan.
"Kamusta na?"
Tanong ni Mico.
"Ito, namomroblema..."
"Bakit naman?"
Takang tanong ni Jordan."Hindi ko alam kasi kung mahihintay ko pa ang magiging apo ko. Yung inaanak mo, si Rence? Naku, mapili sa babae. Wala pa ngang nagiging girlfriend eh!"
Agad na natawa si Jordan sa narinig.
"Ikaw talaga pare, bata pa naman siya eh. Wag mo munang biglain. Malay mo may pinupormahan."
Sagot naman neto.
"Anak mo sana pre eh, alam mo namang pangarap kitang maging balae dati pa eh. "
Sagot ni Mico sabay tawa"Kaso yung panganay mo, may asawa na, tapos yung bunso mo lalaki..."
Dugtong neto"uh-uh, baka nakakalimutan mo yung pangalawa kong anak. Hahaha, ka edad-an lang siya ni Rence."
Proud na sagot naman ni Jordan."Ahh.... Oo nga pala! Yung nasa probinsya!"
Masiglang sabi ni Mico."Oo, wala pang pinapakilalang lalaki sakin yun, single siya for sure."
Sabi ni Jordan na pakindatkindat pa."Mabuti naman, hahahha may pag asa pang maging balae kita pre."
"Oo, lalo nat mapupunta na siya sa puder ko in the next 2 years. That time, 17 na siya. Saktong sakto lang"
Excited na sabi niya.
"Sabi ko na nga ba't makakarinig ako ng magandang balita ngayong araw..."
Pagkatapos ng usapan ay umuwi na ang dalawa, madaling nagkaintindihan ang magkaibigan at nagkasunduang ipakasal ang kanilang anak pag dating ng panahon.
Pero ang tanong,
Magugustuhan kaya ng dalawang bata ang isa't isa? O mauuwi nalang ang lahat ng plano sa wala?
YOU ARE READING
Stashing Feelings
RomansaAt first, everything was just forced. Everything was impossible. But who will expect that him and i can create a story titled "US"