The Usual

1.4K 29 2
                                    

Ara's POV

Nandito kami ni Cienne ngayon sa sala, kami nalang kasi natitira pag umaga since hapon pa naman yung klase namin. Ewan ko ba dito kung bakit nakikisabay pa. Tapos ang sungit sungit. Minsan naiisip ko intindihin ko na lang siya e, pero minsan sarap iuntog sa mesa. Oo alam ko bestfriend ko to, mahal ko yan pero sumosobra na eh. Andito kami ngayon nag-aaway dahil sa sofa. Siya daw nauna at bawal daw ako dito. Aba sorry naman, late na kasi ako nakatulog kagabi eh.

"Ako nga kasi diyan!" sigaw niya sa akin, nako buti na lang at tayong dalawa lang dito kundi lagot ka kay ate Aby.

"Nako naman Cienne, chill ka lang. Upuan lang to oh! Sayo ba to? May pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang naka crossed arms ako. Nako kung hindi lang talaga bestfriend at teammate nako baka ano pa magawa ko, pero tegi ako kay coach pag nangyari yun kaya pinipigil ko muna inis ko dito sa babaeng to.

"Oo meron! Inupuan mo!"

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Ang sakit sa pwet, nako nanggigigil na ako sayo Cienne ah sobra ka na. Papaiyakin pa ata ako nito huhu, kaya nasabi ko lang

"Sumbong kita kay coach!" Simangot ko sa kanya

"Oh ayan pangalan ko nasa papel ko na inupuan mo! Sige sige sumbong mo! Ganyan ka eh." simangot niyang sigaw habang kuha ng papel niyang inupuan ko, tapos tumalikod at dumiretso sa kitchen at doon na tinuloy kung ano man ginagawa niya. Sinundan ko na lang siya at kumuha ng tubig sa ref.

Tinitigan ko lang siya, ang sungit sungit kasi nito sa akin, mga last week lang. Di ko alam kung bakit.

"Cienney, sorry na" sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya

Di niya ako pinansin at tuluyan siyang nagsulat sa papel niya

"Uy, sorry na. Di ko na uulitin, ang sungit mo kasi sa akin eh" sundot ko sa tagiliran niya, nag-pout lang ako habang nakaharap sa kanya.

Hinarap niya naman ako, pero tinignan niya lang ako. Dahil guilty ako, napayuko na lang ako.

"Sorry." bulong ko habang nakayuko.

Niyakap niya naman ako bigla, at napadilat nalang ako ng nakasubsob na yung mukha ko sa leeg niya. Eto yung gusto ko sa kanya eh, di niya ako matiis. Minsan natitiis niya ako pero agad agad din yang susuko at papansinin na lang ako, di ko maiwasang mapangiti. Niyakap ko na lang siya pabalik, nakakamiss na kasi tong ganitong yakap niya, yung mahigpit, parang inaalis lahat ng inis. At syempre miss ko na rin tong bestfriend ko, tinatarayan kasi ako, minsan snub pa. Simula last week pa yan eh, siguro meron siya ngayon. Uy, paiyak na ako tama na drama.

"Uy, okay lang yun ano ka ba." Ang bipolar niya. Magkayakap pa rin kami. Ang pwesto namin ngayon ay magkayakap lang sa upuan habang nakaupo, kayo na magimagine.

"Wag mo na akong sungitan please. Wala na kasi akong makausap tuwing gabi bago matulog eh, si ate Cyd na lang lagi. Meron ka ba?"

"Baliw!" Bitaw niya sa akin at nagsulat na lang siya at pinagpatuloy yung ginagawa niya. Tinawanan ko na lang.

Kumain na lang ako habang gumagawa siya nang papers niya since wala naman akong gagawin. 10 pa lang naman ng umaga, at 4 pa pasok namin. Iisang building lang kami, pero magkaiba rooms namin. Kasi magkaiba kami ng course na kinukuha. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang plato ko at umupo ulit sa tabi niya. Nags-soundtrip lang kami sa phone ko, since favorite niya naman lahat ng nandito, siya kasi yung naglalagay ng music dito sa iPhone ko, at sa kanya daw yung 'music' dito kahit sa akin yung iPhone. Hahaha. As usual, nanghihingi lang ako ng papel diyan at nagd-drawing ng kung ano ano, tapos pag may nadrawing ako pinapakita ko sa kanya. Tapos pag nagustuhan niya, hinihingi niya. Kung saan niya nilalagay after niya hingin, yun ang di ko alam. Hindi naman ako magaling mag-drawing, pero may kaibigan ako na magaling diyan. Sa kanya lang ako nagpapaturo, architecture yung course niya kaya yun. Bestfriend ni Yeye, nakilala ko lang yun siguro last month. Pinakilala ni yeye sa akin since nagkikita naman kami pag season. Baka mag-hangout ulit kami next week.

After ko mag-drawing, pinakita ko kay Cienne na gumagawa pa din ng papers niya. Teddy bear lang naman. Pero pagtingin niya, nanginang yung mata niya tila parang bata.

"Woah! Akin na to ah!" Sabay kuha niya sa drawing ko. Hahahahaha number 1 fan ko talaga to.

"You're welcome." Tinawanan ko siya. Hahahaha

Tinignan niya lang ako ng masama tapos pinagpatuloy na rin yung ginagawa niya habang sinasabayan yung kantang "teenage dream"

----

Naglalakad lang kami ni Cienne ngayon papunta sa building namin, at nakakita siya ng cotton candy kaya bumili kami. So mukha kaming bata ngayon na naglalakad. 1pm pa lang naman kaya tumambay muna kami sa Henry Sy bldg. Nakaupo lang kami dito, ninanamnan yung cotton candy pati na rin yung hangin, ang presko kasi. Si Cienne naman ito, busy sa kakakain. Sarap na sarap eh.

Nagulat ako ng biglang may tumawag sa phone ko.

"Ah hello?"

"Sup Vic!"

"Oh jessey! Napatawag ka?"

"Hang-out tayo sa saturday sabi ni Jelo! G ka ba?"

"Free naman siguro ako sa saturday so G na! Hahahaha invited ba si Yeye?"

"I'll call bf later! Hahahaha sige! See you soooon! Bye Vic!"

"Bye Jessey!"

Sabay end call ko. Pagkatingin ko sa tabi ko ay wala na akong katabi. Hinanap ng mata ko si Cienne. Hala hindi ko makita. Baka nakidnap!

Magpa-panic na sana ako ng may tumawag sa akin.

"San ka galing? Sasabog na ata puso ko nung nawala ka bigla" kunyari hingal na hingal pa para may effects

"Weh! Baliw! Dun lang oh!" Turo niya sa bazaar.

"Ah.." napatitig na lang ako sa may tinuro niya.

"Tara na nga! Mal-late pa tayo sa drama mo eh." tingin niya sa relo at tuluyan na kaming pumunta sa building namin.

Hinatid ko muna si Cienne sa room niya, bago ako tuluyang pumunta sa room ko.

"Bye cienney!" Tap ko sa kanya plus ngiti.

"Bye Vic. Later ah, sa coffee shop na lang." Paalala niya sa akin. Hay, as always naman. Sanay na ako eh lagi naman kami dun after namin mag-class.

"Ikaw talaga, oo na. Dadaanan kita kung maaga kami papalabasin ni Prof. Sige una na ako." Ngiti ko sa kanya at nag-wave na ako nung mej malayo na ako. Malapit lang naman room namin sa room niya. Room 408 siya, ako naman room 415. Ewan ko ba dito kung bakit parang tuwing maglalayo kami eh parang matagal bago magkita. Well, siguro nakasanayan na rin namin yun.

----
Hi! First time ko po to. Kaya sana magustuhan niyo po. Kung may corrections or clarifications po kayo feel free to message me. God bless! :)

Broken Arrow (Cienne-Ara-Jessey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon