Cienne's POV
"Saan ka galing.." Niyakap ko siya saka ko sinabi yan. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi, siguro nadala na din ako ng emotions ko. Hindi ako galit, nagtatampo lang siguro ako.
Humiwalay na ako sa yakap bago pa siya makapagsalita, umakyat na ako at dumiretso sa kwarto. Napahiga na lang ako, siguro di lang talaga ako sanay na walang bestfriend sa tabi ko. Hindi naman sa oa ako, pero bestfriend ko kasi yun, gusto ko lagi lang siyang nasa tabi ko. Siguro pagod lang siya kaya hindi na niya ako nasundo kanina, pero kasi nakakalungkot lang talaga kung feeling mo nakalimutan ka ng bestfriend mo. Hay paano ba to, nakakatamad nang tumayo.. inaantok na ako.
Nagising na lang ako nang may pumasok sa kwarto, malamang si Vic to. Hindi ako dumilat, gusto ko na lang matulog. Naramdaman ko namang tumabi na siya sa akin. Mga ilang minuto din bago siya humiga. Naramdaman ko nalang yung hininga niya sa batok ko, nakatalikod kasi ako sakanya. Ano kayang iniisip nito? Hay Vic matulog ka na. Para makababa na ako kasi gutom na talaga ako. Huhu, hindi pa pala kasi ako nakapag-dinner since dumiretso na agad ako dito pagkadating ko. Kung nagtataka kayo kung kumain ako sa labas, no. Hindi ako kumain, kung tinatanong niyo kung ano ginawa ko kaya ako na-late ng dating, naground-trip lang naman ako sa buong campus. Hassle ba? Di naman diba?
Naramdaman kong niyakap niya ako. Siguro inaantok na din to.
"Hindi ka man lang nag-text o tumawag, para alam kong late ka uuwi.." Baliw ba to? Eh hinanap ko nga siya sa buong campus eh! "May nanliligaw na ata sayo eh.. Diba walang secrets. Uy.." Ikaw yung may tinatago, Vic..
"Sakit naman sa heart." aba di pa nakuntento at nagbiro pa! Sige lang Vic! Hindi ko favorite ang hopia. "Uy. Alam ko gising ka pa.." Bumitaw na siya sa yakap at kinalabit ako.. Vic, wag ganyan.
"Uy. Gising ka pa eh." Hinawakan niya yung braso ko at akmang papaharapin ako sa kanya. Pero di ko na natiis at humiga na ako ng maayos, nakapikit pa rin ako at alam kong nakikita niya ako kasi nakabukas pa yung ilaw.
"Wala akong secret, ikaw lang naman meron eh." sabi ko sa kanya. Nakapikit pa rin ako. Ayaw ko pa siyang makita. Lalo na at nagpipigil ako maging emosyonal ngayon, malapit na prelims namin, mahirap na at baka wala pang pumasok sa utak ko pag mag-away pa kami nito.
"Eh saan ka pumunta kanina?" Tanong niya, nakatitig lang to sa akin nafi-feel ko. "Hindi lang nasundo, nagka-secret na.." Pagtatampo niya, naramdaman kong umikot siya. Aba tinalikuran pa ako!
"Akala mo naman wala kang tinatago.." nanigas ata siya sa sinabi ko. Oo alam ko yun, hindi ko din alam kung bakit ko nasabi to pero siguro kailangan ko na malaman at maklaro ang mga iniisip ko, kahit masasaktan ako. "Kwits lang tayo.."
Hinarap naman niya ako agad. Nagtaka siguro siya sa sinabi ko. "Anong kwits? Wala naman akong tinatago sayo eh.." ngayon tinignan ko na siya sa mata, nagkatitigan lang kami na parang may gustong malaman sa isa't isa, kahit ako alam ko na..
"Oh, it's the way we feel yeah, this is real."
Sasagutin kona sana yung tanong niya nang biglang tumunog yung phone ni Vic at yun na rin ang nagputol ng titigan namin. Napa-buntong hininga na lang ako at tinalikuran siya. Pumikit ako. Feel ko nagi-isip pa to kung sasagutin niya o hindi, parang nagtatanong kung sasagutin ba niya or hindi.
"Hello Jessey!" Ah si Jessey pala.. "Ah.. Oo. Ikaw? Good good... Talaga? Sige G ako diyan! Kasama ko si Cienne...Oo okay lang siya.." Hindi Vic, hindi. "Sige sige.. Tawag na lang bukas hihi.. Goodnight! Miss you.. Bye.." Saka niya in-end yung call.
Pinatay niya na yung ilaw at humiga ulit sa tabi ko. "Goodnight Cienney.." Nag-backhug siya sa akin at kiniss ako sa cheeks. "Okay lang kung walang goodnight kiss." Pahabol niya pa. Di ko na lang pinansin. Eto na rin siguro nagustuhan ko kay Vic, ang sweet sweet niya. Ipapa-feel niya sayo na love ka talaga niya, maalaga siya at thoughtful. Hay Vic. Siguro nakatulog na din to, naramdaman ko nang lumuwag yung yakap niya sa akin. Umayos na ako ng higa at hinarap siya. Kahit naiinis ako sayo dahil pinag-alala mo ako at pinaikot mo ako sa buong campus kanina para hanapin ka, bestfriend pa rin kita. Sana lang hindi ka makalimot..
BINABASA MO ANG
Broken Arrow (Cienne-Ara-Jessey)
FanfictionThis is my first time, and this is for my fellow CiennAra shippers, hi guys! Don't let anyone say 'Sayonara' to us just because it rhymes okay. We're not gonna sink, because airplane tayo, lutang lang lagi hihi