Chapter 6: May puso ba kayo

823 21 8
                                    

Ara's POV

Nagising ako ng maaga dahil babalik pa ako sa dorm at may training pa mamaya. Nag-ayos na ako at nag-ready para makaalis na din ako agad. Nagising na din naman si Jessey.

"Uy, thank you ulit." Yinakap niya ako. "Hang-out soon!" Tawa niya na ikinatawa ko rin.

"Baliw ka ba, kakakita lang natin oh! Di pa nga tayo naghihiwalay." yinakap ko din siya pabalik.

"Eh mamimiss kita ng sobra eh." Hinigpitan niya lalo yung yakap niya.

"Aray ha. Hahahaha." humiwalay na kami sa yakap. Tinignan ko siya. "Mamimiss rin kita."

"Sige na mauna ka na, baka ma-traffic ka pa at ma-late sa training, ako pa masisi." Tinutulak tulak niya ako palabas ng pinto.

"Bye babe!" Sabay kiss ko sa cheeks niya. Hay sana totoo. Umalis na ako bago pa siya humirit. Medj malayo na ako ng sumigaw siya. Kay napalingon ulit ako.

"Bye, babe!" Nag-flying kiss pa ang ungas. Ngumiti ako at nagwave sa kanya, tapos tuluyan nang umalis.

Mabuti na siguro to, kahit biro biro lang basta magkasama kami, tsaka, atleast may endearment. LOL.
Buti na lang hindi traffic at nasa taft agad ako.

--

Pagdating ko sa dorm ay naglu-lunch na sila at ready na sa training. Binati ko na silang lahat at pumunta na agad sa taas para mag-ready na para sa training. Pumasok na ako sa cr para magpalit ng damit. Nagulat ako ng pagkalabas ko ay nasa kwarto ko na siya..

"Babe?" Nakakunot niyang tanong sa akin.

Hindi ko muna pinansin at inayos muna ang gamit ko. Nararamdaman kong nakatitig lang siya sa akin, mukhang masesermonan ako nito ah. Hay, bahala na si Batman!

"Trip lang yun." Sagot ko sa kanya pagkatapos ko mag-ayos ng damit.

"Seriously? Babe? Trip lang?" naka-crossed arms niyang tanong sakin.

"Wala, nothing to worry about. Tsaka, bakit ba concern na concern ka sa nangyayari samin?" Pagkatapos kong sabihin yun ay umupo ako sa upuan sa may gilid ng pintuan.

"Sige, wala akong karapatan para tanggihan yang sinasabi mo. Concern ako dahil kaibigan kita. At Vic, baka nakalimutan mo yung 3 month rule?"

"Jessey and I know what we are doing. Alam mong loyal ako dun sa sinabi ko, at tutuparin ko yung 3 month rule dahil may respeto pa din ako sa naging relasyon namin." Tinignan ko siya. Mukha talaga siyang seryoso at pipilitin kong sagutin ang mga tanong niya. Kung anong kinabaliw niya ay ganun din kalala pagka seryoso siya.

"Oo alam ko, pero sana, may closure yung relasyon niyo. At sana, maging friends parin kayo kasi Vic, iisang campus lang to, at hindi maiiwasang magawan kayo ng issue. Kung nagawan na nga ng issue yung tungkol sa inyo ni Jessey kahit wala pang confirmation, what more kung sa past mo diba?"

"Hay, ate Kim.." Napakamot na lang ako sa baba ko. "Ang hirap naman po, pero susubukan kong hindi maging awkward pag kaharap ko siya."

"Alam ko Vic, napagdaanan ko na rin yan. Wag mong subukan, gawin mo." Tumayo na siya at lalabas na ng pinto pero tumigil siya sa gilid ko at tumingin sa akin. "Alam na ba yan ng bestfriend mo?" Tanong niya sa akin.

Napaisip ako dun. Tinitigan ko lang siya. Sasagot na sana ako nang nag-smirk siya, bago siya umiwas ng tingin at lumabas na ng tuluyan. Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong isasagot, tanga ko rin eh no, malamang hindi ang sagot ko. Siguro kailangan na ngang malaman nila kambal to. Pero kailangan ko munang ayusin yung past ko.

--
Ang hassle ng class-after-training schedule ko! Kaya after ng class ay di ko na nahintay si Cienne at dumiretso na ako sa dorm at napahiga. 6:45 pm pa lang pala, pero wala pa rin sila. Itutulog ko na lang tong problema ko sa school at sa buhay. Parang way ko na rin ko na to para makapagpahinga. Sana nga.

Ang tagal naman nila, gusto ko nang i-text si Cienne pero pagod na talaga ako.. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.
.
.
.

"Sarap naman ng tulog nito!" Ingay masyado wala bang volume diyan.

"Oo nga eh sarap buhusan ng tubig!" What a nightmare.

"Nakalimutan atang malapit ng prelims natin. Hahahahaha" Ang ingay!!

Nagising ako nang may camera na nakatapat sa mukha ko, sama niyo pa mga tawa nila. This time alam ko nang hindi panaginip yun, pagkadilat ko pa lang kasi bangungot na agad bumalot sa akin.

"Ano ba yaaaan!! Pagod yung tao! Natutulog din! May puso ba kayo?!" Galit kong sigaw sa kanila.

Pero ang natanggap ko lang ay ang pinakamalinaw na sagot sa lahat ng tanong.

"HAHAHAHAHAAHAHHAHAHAHAHA!" Sabay labas ng kwarto.

"Bastoosss!" tapon ko ng unan sa pinto na sana sa kanila tumama pero sa pinto na lang tumama.

Inayos ko na yung sarili ko para bumaba na at mag-dinner. Palabas na sana ako nang may kumatok sa pinto. "Dinner na boss!" sigaw ni Justine sa pinto. Aba loka loka talaga tong batang to. Ginawa pang career ang pagiging boss ko ah.

Tuluyan na akong bumaba at sumalubong sa akin ang mukhang kadadating lang at sawing sawi na Cienney na paakyat pa lang sa kwarto namin. Nakakaawa naman to, pawis na pawis pa oh.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Saan ka galing.." Sabi niya sa akin habang nakayakap pa siya sa akin, halatang-halata sa boses niya na pagod na siya. Hindi ko alam kung paano ako mage-explain sa kaniya lalo na pag dito na kaharap ko ang buong team. Nakita ko naman sila ate Kim na nakatingin sa akin at nags-smirk sa akin. With matching lagot-ka look.

Hala.
--
Matagal mag-update si Author ha. Since first time ko, medj sketchy pa to. Kung may corrections, message me na lang. Wag kayo mahiya ah, okay lang sa akin kung may mali ako, matututo naman ako eh. Hihi lab lab readers. :)

Pero!!! Gusto ko lang mag-open ng feelings ko dito about sa latest news about kay Ara. Here it goes..

Ara, ara.. 'Bakit siya pa?' Yan ang unang naisip ko when I heard about the news. It is obvious that I just heard the news while I'm writing this.. What do I feel? I feel so dejected. It's like everybody had just moved on, while I'm just moving-on. Why? Kasi late ko na nalaman. I wasn't able to catch up during the game because I have something to attend to. And it's just so depressing to the point that you just wanna cry because seeing your idol in pain, also brings you so much pain. And the worst is, you can't do anything about it. I feel so useless. The words I wanted to say escaped my mind that I wasn't even able to say it. You just wanna take the pain out of her and just carry it for her, but you cant. How could someone say that everything is okay when not a single thing is even okay? How would you say it? Kasi nakakabilib ka.. Kasi kayo kaya niyong sabihin. Pero ako eto, nagluluksa padin. Paturo please. :(

You might as well think or say that what I'm feeling now is so exaggerated, but this is what I feel and it wasn't meant to make you believe what I think. Unfortunately, I have no one to tell about this. I think it's the best way I can do somehow to soothe the pain that rests in me. Forgive me if you may.. :(

Please pray for her fast recovery and so much that nothing is serious. God always has plans, before we had made out plans for ourselves, and with God everything is possible. I know it's impossible (oh how ironic tho) for her to see this but still, I love you ate Ara! I'm always here to support you. No matter what. :)

Hi,

Senpai wants to remind you:
to love with your heart is always better,
Than to love with your mind.

Your one and only Senpai :(

Broken Arrow (Cienne-Ara-Jessey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon