Ara's POV
Nagising ako ng maaga, sobra na ata yung tulog ko. Kinapa ko yung phone ko sa side table namin at nakita kong 7 palang pala ng umaga. Tinignan ko kung nasa tabi ko pa si Cienne, ang himbing pa ng tulog niya. Binaba ko muna yung phone ko at humarap sa kanya. Baka sungitan na naman ako nito mamaya, hindi pa niya natatapos yung kwento niya. Napatitig ako sa mukha niya, singkit pala talaga siya, si Camille kasi hindi eh. Naka T-shirt lang siya pero bagay pa rin sa kanya. Ano kayang nangyari dito at biglang sumusungit. Siguro nakahawak ng aso? Aha! Baka na-trauma dun sa asong nakasalubong namin sa park! Hahahahan Ciennang talaga. Niyakap ko na lang ulit siya. Kahit naman masungit to love ko pa rin to, bff ko kaya to. Sinubukan kong matulog pero hindi na talaga. Kaya bumaba na lang ako.
Nagluto na lang ako ng breakfast para hindi na magluluto pa sila ate Aby bago pumasok, 9 pa kasi pasok nila. Egg and bacon lang niluto ko, nilagay ko lang to sa lamesa at tinakpan para sabay sabay na kaming lahat kakain mamaya. Sa ngayon kumuha lang ako ng tinapay at nanuod ng TV sa living room.
NatGeo. Lipat. Discovery Channel. Lipat. Myx. Uy yan! Sakto playlist ni Katy Perry. Naalala ko tuloy si Cienne, favorite na favorite niya yung Teenage Dream, pero lahat naman ata ng Katy Perry. Tbh, siya nga nagpalit ng ringtone ko, sa kanya naman kasi yung mga kanta sa phone ko, nilalagay niya mga favorite niya dun at paulit ulit na lang lagi. Naputol ang iniisip ko nang nakita ko si Cienne sa may hagdan na nag-uunat.
"Good morning!" Ngiti ko sa kanya sabay pat sa tabi ko para umupo siya. Sumunod naman siya, napatingin siya sa pinapanuod ko, tapos bigla ba namang ngumiti ang baliw! Hahaha yes! Good mood yan ngayon, yay!
"Tinapay oh." Alok ko sa kanya. Pero di ata ako narinig. Focus kung focus eh.
Pumunta na lang ako ng kitchen para magtimpla ng orange juice, kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan pareho, umupo ako at binigay sa kanya yung isa. Pero di pa rin ako pinapansin. Hala grabe to! Pinagpalit ako kay Katy Perry! Huhuhu nilagay ko na lang sa table yung juice niya at ininom yung sa akin. Nanuod na lang rin ako pero napansin kong nakatitig siya sa akin sa peripheral view ko. Hindi ko rin siya pinansin. Ha! Kala mo ha, sabi na di mo ko matitiis eh. HAHAHAHA. Pero.. Nakakailang kaya tinignan ko na rin siya, halata na siguro na alam ko na nakatingin siya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Sabay tingin sa TV. "Yung kwento ko kagabi na hindi mo pinakinggan."
"Nakikinig kaya ako." pout ko sa kanya. "Di mo na kasi tinuloy. Ano na sinagot mo after ka tinanong ng blockmate mo?"
"Batman?" sabi niya. "Sabi ko kasi yun yung gusto ko si Batman."
"Ah, batman. Tapos?" nag-nod ako.
"Tinanong niya kung bakit, sabi ko naman, kahit wala siyang powers, malakas naman siya. Tapos ang galing niya, parang siya lahat sumasagot ng problem, parang kaya niya sagutin lahat ng problema, tapos feel ko ginawa siya ni God para andiyan lang siya sa tabi ko." Kwento niya sa akin.
"Bakit mo naman naiisip yan?" natatawa ako kasi parang love na love niya si Batman, eh hindi naman siya mahilig sa mga action. "Paanong kaya niya sagutin lahat ng problema?"
"Diba sinasabi ng marami 'Hay! Bahala na si Batman!' ayun, madaming nagtitiwala sa kanya. Andiyan lang siya palagi sa tabi mo." Page-explain niya.
"Ano ka ba Ciennang! Expression lang yun! Hahahaha! Tapos anong sinabi ng blockmate mo diyan sa sagot mo?" natawa na talaga ako. Hahahahaha baliw din pala to.
"Sabi niya, wag ko daw i-adore masyado at wag akong aasa. Fiction lang daw kasi yun eh" tapos yumuko siya na parang nalungkot. Hahahahaha Cienney kelan ka pa na-inlove sa fictional character! Di ako na inform! Haha!
BINABASA MO ANG
Broken Arrow (Cienne-Ara-Jessey)
FanfictionThis is my first time, and this is for my fellow CiennAra shippers, hi guys! Don't let anyone say 'Sayonara' to us just because it rhymes okay. We're not gonna sink, because airplane tayo, lutang lang lagi hihi