DQ

706 26 8
                                    

Ara's POV

"Cienne,"

*boogsh*

Bad timing naman! Pumasok si Camille, anong problema nito?!

"Oh kambal, bakit?" Tanong niya kay Camille pagkatapos niyang umupo.

Hmp, sabi na gising to eh.

"Maggu-goodnight lang. Goodnight Vic. Goodnight kambal!" Sabay kiss niya sa cheeks nito.

"Goodnight bff, ako wala?" Nag-pout ako sa kanya. Pero lumapit siya kaya nag-smile na ako. Kiniss niya din ako sa cheeks. Ganito kami kasweet! Parang triplets. Hahahaha

"Oh yan, sleep well!" Sabay labas niya sa kwarto.

Humiga na ulit kami. Tahimik ulit, pero ngayon nakapatay na yung ilaw.

"Uh, cienne.." Pagbabalik ko sa topic kanina.

"Wag ngayon Vic." Agad niyang sagot.

"Okay.." Sabi ko at humarap na ako sa kanya. "Goodnight, cienney." hinug ko siya at kiniss sa cheeks. Bumitaw na ako at humiga na ng maayos.

"Ako wala?" Kunyaring pagtatampo ko. Pero nganga, walang sumagot sa akin. "Ouch, literal na na-heardzoned ako." Pagbibiro ko pero walang effect. Hindi ko nalang pinansin, baka problemado lang to o tulog na. Nakapikit lang ako pero di ako makatulog. Maya-maya may yumakap sa akin at kiniss ako sa cheeks. Akala niya siguro tulog na ako. "Goodnight, vic." nakayakap lang siya, hindi siya bumitaw. Hanggang sa nakatulog na ako. Bestfriend ko talaga..
---

Naglu-lunch na kami dito sa dorm. Sila ate Aby yung nagluto, ang sarap! Magpapakabusog na ako ngayon pa lang. Hihi. Sila Yeye at Kim as usual ang daldal.

"Ate Aby. Ang sarap naman po ng luto mo." Backhug ko sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Naman. Mana mana lang yan. Oh diba may lakad ka? Bakit di ka pa umaalis?" Sagot niya sa akin.

"Aw, pinapaalis mo na po ba ako ate Aby?" Nag-pout ako.

"Ikaw talaga! Kaya lab na lab kita eh. Si Jessey ba yang kikitain mo?" Tanong niya sa akin.

"Opo, paano mo po nalaman?" Nagtataka kong sagot

"Sila Cienne. Haha. O sige na mauna ka na at baka malate ka pa diyan sa date mo." Natatawa niyang sagot sakin.

"Cienne? Date?" napabitaw ako sa backhug ko sa kanya

Nagpunas na siya ng kamay at tinulak tulak ako ng mahina "Aweee, sige na puntahan mo na yang id-date mo." saka siya dumiretso sa living room kasama ang mga bullies.

Pumunta ako sa taas para kunin yung mga gamit ko at bumaba narin agad nung nakuha ko na. Nagpaalam na ako isa isa sa kanila at nagpaalam na rin ako sa kambal.

Hinug ko si Cienne ng saglit sabay pat ng ulo nito "Bye. See you tomorrow."

At tuluyan na akong naglakad palayo sa dorm, lumingon uli ako para kumaway, andun pa rin sila pero wala na si Cienne dun.

--
Nasa bus na ako ngayon, wala namang traffic at di naman kalayuan sa taft ang MOA so mga 30 minutes andun na ako. Tinawagan ko na si Jessey para tanungin ko nasaan na siya.

"Jessey! Saan ka na?"

"Andito ako sa may DQ."

"Kumain ka na ba?"

"Oo kumain na ako sa bahay. Ikaw?"

"Same. Sige papunta na ako diyan. Bye."

Toot.

Di katagalan nakita ko na rin siya.. Nakatayo lang sa may gilid ng entrance parang gusto nang bumili ng ice cream. Di ko maiwasang mapangiti.

"Hi." Ngiti ko sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit. "Namiss kita."

"Vic! Baka makalas naman ako sa sobrang higpit mo yumakap." palo niya sa braso ko saka ako bumitaw.

"Namiss kita eh." ngiti sabay akbay ko sa kanya. Tumingin lang siya sa loob ng DQ. "Uy, kinilig ka naman." sundot ko sa tagiliran niya. Pero hinatak niya na ako papasok. Ang dami niya namang tinuro, parang pinapag isipan niya pa mabuti yung gusto niya. Ako naman nutella-banana lang kinuha ko. Sa kanya strawbery-chocolate.

Naglalakad lang kami ngayon sa mall habang kumakain ng ice cream. Sarap na sarap naman siya.

"Vic! Tikman mo!" Sabay subo sakin ng sakanya, sinubo ko naman. Hindi ako mahilig pero masarap nga.

"Ganda ng taste mo huh," thumbs up ko sa kanya.

"Ako pa." sabi niya bago tumawa.

"Tikman mo yung akin," subo ko sa kanya. "Masarap diba?"

"Super!" Nag-nod lang siya.

"Favorite kasi ng bestfriend ko to eh." Sabi ko sa kanya.

"Oh? Sino ba bestfriend mo?" Tanong niya sa akin

"Uhm, teammate ko din. Si Cienne at yung kambal niya. Pero si Cienne yung pinakaclose ko." Kwento ko sa kanya

"Ah.." wala na siguro siyang masabi. Napatigil sa ako sa paglakad ng hawakan niya ako sa kamay. Shucks magiging kamatis ako nito.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya, nakatingin lang ako sa mata niya. Ang ganda ng mata niya.

Napatingin naman ako sa tinuro niya, sa Quantum! Hahahahaha!

"Gusto mo-" bago ko pa matanong eh hinatak niya na ako papasok. Bumili din kami ng tokens. Pero habang nakapila kami may mga babae sa likod namin na ang ingay.

"Uy magpapicture ka na!"
"Oo nga moment mo na to!"
"Guys wag muna, baka makasira pa tayo ng date oh, tignan mo ang sweet. Holding hands pa. Yieee"

Napabitaw naman si Jessey dahil dun, pero kinuha ko ulit yung kamay niya at hindi ko binitawan. Pinipilit niyang tanggalin pero nag-smirk lang ako. Hahahahaha kala mo ha, pag hinawakan mo, wag mong bibitawan.

Ganun lang kami hanggang nakapunta kami sa may basketball, nakasunod pa rin yung mga tili ng tili na babae sa amin. Hmm, mapagtripan nga.

"Babe, laro tayo ng basketball." Partida holding hands pa kami niyan. Chansing na kung chansing hahaha. Pinipilit niyang tanggalin pero hinihigpitan ko yung hawak.

"Omg narinig niyo yun?! Babe daw yayyyy!"

Inakbayan ko si Jessey pero lumalayo siya, syempre di ako magpapatalo. "Babe ano ka ba? Ang likot mo." sabi ko sa kanya.

Nakawala siya sa akbay ko "Babe mo mukha mo!" sabay talikod sa akin.

"Aww LQ sila, suyuin mo idol. Huhu."

Pero hinatak ko yung kamay niya kaya tumalsik siya papunta sa akin. Kaya nakayakap ako sa kanya ngayon. "Wag ka naman magalit. I love you." It looks like a joke to them, but it's not. I love her.

Bumitaw na ako. Tinignan ko yung mukha niya, poker face lang pero namumula. "Uy.." kalabit ko sa kanya. "Sorry na."

"I love you too." Yun lang ang narinig kong sinabi niya. Ang sincere, parang walang halong biro. Hindi ko maiwasang ngumiti sa narinig ko. Sa tingin ko ang marinig na mahal ka ng mahal mo eh ang pinakamasarap na feeling sa lahat.
---
Hi guys. Okay lang ba? :)

Broken Arrow (Cienne-Ara-Jessey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon