Tahimik na pumunta sa kusina si Via. Walang kaimik-imik. Walang kaluskos o yabag ng kanyang mga paa. Para siyang multong biglang sumusulpot. Kaya nagulat silang tatlo nang biglang nagpakita si Via.
"Jusko, Via! Ano ka ba naman? Sa susunod, magsasalita ka ha? O siya, kumain ka na. Nauna na kami kasi ang tagal mo sa kwarto mo."
"Sorry, nakatulog. Hindi ko kwarto yun, tutulugan ko lang."
Nagkatinginan sina Elaine, Leon, at mama ni Via. Kailan pa naging ganito 'to?
"Sinasabi ko lang. Kasi di pa naman natin nabibili di ba?"
Napatango na lamang silang tatlo at nagpatuloy sa pagkain. Si Via naman ay nagsimula ng kumain. Tahimik lang silang lahat. Parang ang awkward.
Iniisip ni Via kung kumain na ba si Becky. Ang mga bata pa naman mabilis magutom. Nakakahiya na kumakain sila sa bahay nila Becky tapos si Becky mismo ay di kumakain.
"Via, may problema ba?"
"A-Ah? Wala, ma."
"Sure? Bakit mukang may malalim kang iniisip? Ano ba yun? Baka makatulong kami?"
Tumingin siya sa mama niya, kay Elaine at kay Leon. Nakangiti lang ang mga ito sa kanya. Nakita niya si Becky sa tabi ni Elaine. Gaya ng kanina, tulala pa rin ito pero hindi na masama ang tingin.
Sumenyas siyang bumalik ito at nagtatakbo naman ito pabalik sa kwarto nilang dalawa. Sinundan pa niya ito ng tingin para masigurado na hindi pumunta sa ibang lugar.
Nagtaka naman sila Leon sa ikinilos niya.
"Via? Ano yung sinenyasan mo? May tao ba?"
Lahat sila ay nagtinginan sa kanya. Muli niyang tinignan si Becky. Nakasilip ito sa kanilang apat. Napansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito.
"W-Wala namang ibang tao. Binugaw ko lang yung daga."
***
Tapos na silang kumain at napagdesisyunan na mag-diretso ng tulog. Nagpalit na si Elaine ng pajama dahil hindi siya nakapagpalit kanina. Si Leon naman ay dumiretso na sa kanyang napiling kwarto at ang mama ni Via ay naglilikom ng pinagkainan.
Gaya ng inaasahan ni Via, nadatnan niya si Becky sa kwarto. Nakatalikod ito sa pintuan at halatang may kinakalikot. Isinara niya ang pinto dahil ayaw niyang malaman nila Leon ang tungkol dun sa bata. Baka kasi matakot pa.
"Huh!" Nagulat si Becky sa pagkaka-lock niya.
"Becky? Ano yung kinakalikot mo sa bag ko?" Tinanong niya yung bata.
Hindi na naman ito sumagot pero hindi na matalim ang mga tingin nito. Nakayuko ito at nakatago sa likod ang dalawang kamay.
"Becky, sabihin mo na. Di nama ako magagalit eh. Pinkie promise! Pag di ko tinupad ang promise ko, puputulin ko yung pinkie finger ko."
Nagtatakbo papalapit sa kanya si Becky at niyakap ang bewang niya. Niyakap niya rin ito. Maya-maya ay inangat niya ang ulo ng bata. May amos ito ng chocolate sa muka. Napatawa siya.
"Ang cute mo, Becky! Sige, sayo na lahat ng chocolates ko dyan. Basta ipangako mo, okay lang sayo na matulog kami dito ha? Tsaka wag ka magpapakita sa mga kasama ko."
"Bakit naman? Ano namang masama kung makita nila ako?"
Ngumiti si Via. Matagal na kasi niyang pinapangarap na magkaron ng nakababatang kapatid. Pero dahil wala na ang daddy niya, malabo na mangyari yun.
"Wala lang. Sige, tabi tayo matulog ha?"
Tumango yung bata. Kinuha naman ni Via lahat ng chocolates niya sa bag at ibinigay kay Becky. Hindi na rin dumudugo ang mga paa nito kaya di na siya natatakot. Mas maamo na ang muka ni Becky kaysa kanina. Marahil ay nabigla lang ito na may pumasok ng biglaan sa bahay nila.
Pinagpatuloy lang ni Becky ang pagkain ng chocolates. Nakaupo naman si Via sa kama, pinapanood si Becky.
"Becky, nasan ang pamilya mo?"
Binitawan ni Becky ang hawak na chocolates kaya nagulat si Via. Tumayo ito at naglakad papunta sa may pinto. Akala ni Via ay lalabas ito pero tumigil ito doon saka humarap sa kanya. Ang kaninang matatalim niyang mga tingin ay nagbalik. Nahintakutan si Via.
"Ako si Becky. Ang tunay kong pangalan ay Rebecca Castro. Wala na ang mga magulang ko. Patay na sila. Pero hindi ako ang pumatay. Kilala ko siya, kilalang-kilala. May kapatid ako, ang pangalan niya ay Elaisa Castro. Patay na rin siya. At kilala ko rin ang pumatay sa kanya."
Tumigil siya saglit at humarap sa salamin. Pagkatapos ay bumalik sa dating pwesto, nakatitig sa kung saan.
"B-Becky? Anong sinasabi mo?"
Ngunit hindi pinansin ni Becky--- Rebecca, ang sinasabi niya. Bagkus ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Ang pumatay sa mga magulang ko ay ang kapatid ko. Isa lang ang alam kong dahilan. Dahil ako ang mas mahal ng mga magulang namin. Hindi niya matanggap na ampon lang siya. Kaya pinatay niya sila. Alam ko yun. Pero ayaw niya na magsalita ako dahil tinakot niya akong isusunod niya ako. Pero hindi ako natakot. Nakipagsabwatan ako sa isang mangkukulam. Oo, ipinakulam ko siya. At ako ang tumapos sa buhay niya."
Tulala lang si Via sa narinig. Hindi niya alam ang sasabihin. Natatakot siya kay Rebecca dahil tulala din ito at dire-diretso magsalita. Hindi siya makagalaw. Naparalisa ang buong katawan at natuyuan ng laway.
"Becky?"
"Ako si Becky. Ang tunay kong pangalan ay Rebecca Castro. Pinatay ko ang kapatid kong si Elaisa Castro dahil masama siyang kapatid. Pinatay niya ang mga magulang ko."
"B-Becky..."
"Si. Elaisa Castro. Narito siya."
"H-Ha? Nasaan?"
"Nakausap mo na siya."
"Ha? Sino ba siya? At kailan ko siya naka---"
"Nakausap mo siya! Kinausap mo ang kinamumuhian kong nilalang! Dapat kang mamatay! Taksil ka! Taksil!"
Sinasakal nung bata si Via. Kahit maliit ito kumpara kay Via, nagawa niyang buhatin gamit ang malilit na kamay sa ere si Via.
Umiitim ang mga mata niya. At bumibilog.
Naglalabas ng pulang likido ang kanyang mga mata.
Dugo.
Lumuluha siya ng dugo.
"B-Beck... Becky-y..."
"Taksil. Dapat mamatay."
"A-a-ackkk.."
"Via! Via!"
Napabangon si Via mula sa pagkakahiga. Pawis na pawis at humihingal. Hinanap niya si Becky na nakatayo sa may pintuan. Matatalim na tingin.
"Becky! Halika dito. Matulog na tayo, bilis."
"Ano nangyari sayo?"
"W-Wala. Nanaginip lang ako."
Tumabi sa kanya si Becky at nahiga. Nilagyan niya ito ng kumot at pinikit ang mga mata.
"Tulog na tayo, Becky."
Ngumiti yung bata sa tabi ni Via.
"Oo naman, Via. Hindi ka nananaginip. Sa bahay na ito, walang nananaginip."
BINABASA MO ANG
Alisa
HorrorMagaganda ang mga manika. Totoo yun. Kaya wag ka matatakot sa kanila. Lalo ka kay Alisa.