Chapter XIV

53 3 4
                                    

"Via! Tignan mo oh." 

Tinawag ni Elaine si Via na nakaupong mag-isa sa couch. Luma na ang couch na yun, halata naman sa itsura nito. Nakatingin siya sa kawalan samantalang ang kaibigan naman ay tumitingin ng mga nakasabit sa dingding.

"Via!?" 

Nilapitan na niya ang kaibigan dahil kanina pa itong tulala at wala sa sarili. Hindi naman ito sumasagot kapag tinatanong nila.

"Via? Yoo-hoo?" 

Pumitik-pitik siya sa harap nito pero wala pa ding epekto. Kaya mas lumapit pa siya.

"Heyooo??? Via to earth. Via to earth. Captain, victim not responding. Capt---"

"Ano bang kalokohan yan, Els? Muka kang pato na di mapatae eh!" 

"Els? Kelan mo pa ako tinawag ng ganon? Bagong pet name sakin? Hoy! Di ako alagang hayop." 

Tumayo si Via at naglakad papunta sa pader na kanina pa tinitignan ni Elaine. Sinusuri niya bawat nakasabit at nakadikit dito.

Ang pader na ito ay kakaiba. Di gaya ng karaniwan, may mga nakadikit ditong piraso ng dyaryo. May ilang malalaki na halos buong page na. May iba naman maliliit na parang mga piraso ng isang jigsaw puzzle.

"Kanina ko pa binabasa ang nakasulat sa mga yan. Wala naman akong maintindihan. Nakasulat dyan na namatay sa sunog ang may kanya nitong bahay. Pero hindi naman sunog ang bahay na ito eh." 

Hindi pinansin ni Via ang sinabi ni Elaine. Bagkus ay binasa ang artikulo ng dyaryo na tungkol sa sinabi nito. Maliit lang ang piraso noon at gaya ng karaniwang dyaryo, maliliit ang sulat. Mahirap basahin lalo na at may kalumaan ito.

"May 21, 1826: Isa sa pinakamayamang pamilya ng bansa, namatay dahil sa sunog kagabi. Hindi pa alam ang sanhi ng sunog pero ang dalawang anak ay nakaligtas. Sa ngayon ay hinahanap pa sila ng mga pulis upang tanungin ng mga kinakailangang malaman...." 

Nilipat niya ang paningin sa katabi nitong papel.

"June 21, 1826: Natagpuan ang bunso sa magkapatid na Elaisa at Rebecca. Ayon sa isang saksi, nasa terasa daw noong dapit-hapon si Rebecca. Naglalaro daw ito ng kanyang mga manika at iba pang laruan..." 

"Ah.. ganun? Bumalik siya?" Tumatangong sambit ni Elaine.

Ngunit hindi na naman siya pinansin ni Via. Binasa niya lang ng binasa ang bawat piraso ng dyaryo na nakadikit roon.

"June 21, 1827: Nakitang muli ng mga tagaroon ang batang si Rebecca sa kanilang bahay. Ayon sa mga imbestigador, hindi nasunog ang bahay ng mga Castro. Pero sabi naman ng mga nakasaksi ng aksidente, sunog na sunog ang bahay na iyon..." 

Paulit-ulit lang ang nababasa ni Via at Elaine. Taon-taon, bumabalik si Becky sa bahay nila at naglalaro. Sa tuwing bumabalik siya, may nakakakita kaya naman nailalathala ito sa dyaryo. Ang pinagtataka lang ni Elaine ay kung paano napupunta sa bahay na ito ang mga artikulo.

"Becky..." 

Tumingin si Elaine kay Via ng may nagtatanong na tingin.

"Sino ba kasi yan? Jusko katakot naman sa bahay na ito." 

Nakaka-dalawang hakbang pa lamang si Elaine ay tinulak siya ni Via sa sahig. Sumama naman sa pagbagsak niya si Via.

"Becky!" 

Pinukol ni Via ang tingin sa batang kaharap nila. May hawak itong punyal na sa kahit anong segundo ay tatalsik papunta kay Elaine. Si Elaine naman ay nakapikit  dahil sa pagkakabagok ng ulo sa matigas na semento.

"Lumayo ka sa kanya, Via! Sinabi ko na sayo. Pero kinakausap mo pa rin siya! Ang sinumang kaibigan ng kapatid ko ay kaaway ko na rin!" 

Tinignan niya ang walang malay na si Elaine. Dali-dali niya itong hinila sa isang sulok upang ilayo kay Becky. Agad namang dumating si Leon at ang mama niya.

"Ano nangyare?"

"Jusko, anong nangyari kay Elaine. Leon! Tumawag ka ng ambulansya!" 

Alam ni Via na hindi nakikita ng mga kasama niya si Becky. Kaya naman binabantayan niya ang bawat kilos nito, pinoprotektahan ang tatlo.

Isang bagay ang nakapagpasindak kay Via. Ibinato ni Becky ang kanyang punyal sa kanyang likuran. Nilingon ni Via ang pinatamaan ni Becky. Ito na yata ang pinakamalaking sindak sa buhay niya. Takot at pagtataka ang bumalot kay Via.

AlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon