Chapter III

271 17 16
                                    

Naibato niya ang bote ng alcohol na nasa harapan sa salamin. Nagtatakbo siya palapit sa ina. Nagtataka ito sa ikinilos niya.

"Anong meron sayo, Via?"

"W-Wala. Napagod lang ako kanina."

Iiwanan lang siya ng ina sa kwarto. Nahiga siya at niyakap ang teddy bear na paborito niya.

Bakit kaya palagi ko nakikita yung manikang yun?

***

Nag-beep ang phone ni Leon. Nakita niyang galing kay Via ang message. Nakahinga siya ng maluwag dahil kanina pa siya nag-aalala sa girlfriend.

Leon, sorry kanina.

Nag-reply siya.

Okay lang :) Bukas ikwento mo ang nangyari ha?

Hanggang ngayon di pa rin niya maintindihan ang nangyari. Ano ba ang sinasabi ni Via na black hole eyes eh ang ganda ganda ng mga mata ni Alisa na kulay blue? At bakit nagmistulang natakot siya sa manika?

"Nay, bakit sumama ang pakiramdam ni Via nang makita niya si Alisa?"

Naging seryoso ang muka ng kanyag ina. Sandali itong natigilan pero ibinalik rin ang sarili.

"Hindi ko alam, Leon. Pero dati, may ilang tagabundok ang napunta dito upang humingi ng maiinom. Nakita nila si Alisa at iisa ang naging reaction nilang lahat. Sabi nila masama ang manikang yun, si Alisa. Kaya daw dapat wasakin ito."

"Hindi ko maintindihan, anak. Ano ba ang meron sa Alisa na yan at kinatatakutan ng ilan."

Hinayaan lang niya na magsalita ang ina dahil wala din naman siyang masabi. Pero nang marinig niya ang sinabi nito, nabigla siya. Di kaya totoo ang sinabi ng mga tagabundok? Yun kaya ang dahilan kung bakit sumama ang pakiramdam ni Via?

Pero bakit si Via? Ang dami-dami ng nakakita sa manikang yun pero si Via at ang mga tagabundok lang ang natakot dito.

"Nay, di kaya totoo ang sinabi ng mga tagabundok?"

"Ewan ko, Leon. Kailangan natin ng patunay."

***

Magdamag inisip ni Leon ang lahat. Magmula sa naging reaksyon ng kasintahan hanggang sa kwento ng ina.

Maaari ngang totoo ang sinabi ng mga tagabundok. Maaari rin namang hindi. Sa ngayon, kailangan niya obsebahan si Via.

Baka naman nag-iimbento lang ito ng istorya tungkol kay Alisa. Bukod kasi dito, si Alisa ang sumunod na pinapahalagahan niya. Mahal kasi ang bili nila sa mga materyales na ginamit dito. Pinaghirapan ito sadya ng kanyang ina at siya ang tagapangalaga. Kaya naman importante ito sa kanya.

Pero hindi naman basta basta gagawa ng kwento si Via. Alam niya sa sarili na hindi iyon magagawa ng girlfriend. Kilala niya si Via. Sa tagal ng pinagsamahan nila, ngayon lang ito nag-react ng ganito sa isang manika.

Kailangan niya malaman ang buong pangyayari matapos umalis ni Via sa doll shop nila. Kailangan niyang matulungan ito sa pinagdadaanan nito.

Hindi siya makatulog kakaisip. Hindi siya mapakali dahil samu't saring mga tanong ang umiikot sa isipan niya. Wala siyang maisagot kahit sa isa sa mga ito.

Napagdesisyunan niyang pumunta sa dollshop. Gusto niya tignan mabuti si Alisa, dahil baka makita niya ang sinasabi ng girlfriend na black hole eyes.

***

Binuksan niya ang front door ng doll shop. Ito lang ang spare key na meron siya. Ayaw naman niyang gisingin sa mahimbing na pagkakatulog ang ina dahil pagod din ito sa maghapong pagbebenta.

Binuksan niya ang ilaw sa shop dahil sobrang dilim. Hindi siya takot sa dilim pero ayaw naman niyang may mangyari nang di namamalayan. Bukas kasi ang pinto at baka may magnakaw, lalo na kung busy siya kakatingin kay Alisa.

Nagdiretso siya sa aisle kung nasaan si Alisa. Nakita niyang nakaupo pa rin ito sa loob ng kahon na pinaglalagyan. Wala namang katakot-takot sa itsura nito dahil sa kagandahan.

Kailangang ilagay sa mas ligtas na lugar si Alisa. 

Naisip yan ni Leon kaya kinuha niya ang kahon ni Alisa saka naglibot sa shop para makahanap ng ligtas na taguan. Madami din kasing nagtatangkang nakawin ito dahil sa likas na maganda ito.

Nakita niya ang isang kabaong na gawa sa kahoy sa may dulo ng aisle. Bumili kasi ng ganito ang nanay niya para sa malalaking manika. Hindi pa naman nakakagawa ng life-size doll ang nanay niya kaya walang laman ito.

Hexagon ang shape nito at may kahabaan din. May gold lining ang gilid nito na nagbibigay kulay sa kahoy nitong katawan. Inalis niya sa kahot si Alisa at saka inilagay sa loob.

Biglang kumulog.

Kaya tumingin siya sa labas. Mabuti na lang at may palabis sa bubong ng shop sa unahan kaya di mababasa ang harap nito. Luminga-linga siya sa paligid para tignan kung may bukas na bintana.

Bukod kasi sa mga manika sa mga aisle, may mga manikang nakakalat kung saan saan. May mga salamin at mga cabinet na pinaglalagyan ng mga manika. Kulang na kasi sa espasyo ang shop nila.

Habang hindi nakatingin si Leon sa kabaong, naging itim ang mga mata ni Alisa at nagkaroon ng kurba ang kanyang tuwid na mga labi. Tumawa din siya saglit dahil hindi alam ni Leon ang mga mangyayari sa kasintahan.

Ibinalik ni Leon ang tingin sa kabaong at nakita ang magandang si Alisa. Isinara na niya ang pinto nito saka umalis ng shop. Ini-lock niya ang pintuan ng shop at siniguradong nasa kanya ang susi.

Umuulan ngayon at biglaan ito. Kanina lang ay punong-puno ng milyon-milyong mga bituin ang langit. Ngunit ngayon kadiliman ang bumabalot dito kasama ang pagbagsak ng malalaking patak ng ulan.

***

Sa loob ng kabaong, naroroon si Alisa. Naging itim na itim na naman ang mga mata nito na sing bilog ng buwan. Nagkaroon muli ng kurba ang kanyang mga labi na kulay dugo at dati'y tuwid.

"Hahaha. Hihihi."

"Hahaha. Hihihi."

"Hahaha! Hihihi!" 

---------------------------------------------------------------

Author's Note: Hiiii! Take a look on the media box. Yan yung doll house nila Leon. Goodluck sa pagbabasa. ^o^ Hahaha. Hihihi.

AlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon