"Kung gayon, dapat wasakin ang manika na yan!"
"Hindi pwede! Lalo siyang magagalit satin! Gagala ang kaluluwa niya at sasanib sa ibang manika."
"Ngunit paano natin matitigil ang sumpa?"
Nagpapanic si Celso at ang kanyang anak. Hindi nila alam kung paano ang gagawin sa sinumpang manika. Kailangan maitigil nila ang sumpa sa lalong madaling panahon.
"Nasaan si Almira? Kailangan natin siya ngayon!"
"Tatawagin ko ho."
Madami na rin ang nabiktima ng manikang ito. Galit ito sa masasayang babae. Kaya lahat ng nakikita niyang masaya ay pinahihirapan niya hanggang mamatay ang mga ito.
"Celso! Ako na ang bahala magsara ng sumpa!"
Itinapat ni Almira ang dalawang palad sa manika na nakagapos sa isang krus. Pumikit siya at nagsimulang magsalita ng kung anu-anong hindi naiintindihan ng ordinaryong tao.
"Mahirap labanan ang sumpa!"
Bumaling si Almira kay Celso at sa anak nito. Masyadong malakas ang itim na mahika ng manika.
"Kayanin mo, Almira! Hindi maaaring makapaghasik na naman ng kadiliman ang manikang yan!"
"Sige, susubukan ko muli."
Itinapat niyang muli ang mga palad sa taas ng manika. Nagsimula na ulit siyang magdasal. Kailangan nila itong mapigilan.
"Tay, gumagana!"
"Ipagpatuloy mo lang, Almira. Malapit ka ng matapos."
Kahit mahirap, pinagpatuloy niya ang dasal. Masakit na nag mga palad niya at kahit anong oras ay pwede siyang makabitaw.
Pero inalis niya yun sa isipan. Kapag hindi niya ito nagawa, magkakaroon na naman ng ibang biktima ang manika.
Matagal-tagal din ang kanilang pinaghintay. Dahil malakas ang kapangyarihan ng manika, hindi naging madali kay Almira na isara ang sumpa nito.
"Salamat, Almira! Maraming salamat sayo."
"Walang anuman, Celso. Kamusta nga pala si Lea?"
Napayuko si Ricky. Wala na si Lea dahil pinatay ito ng manika. Wala siyang nagawa upang mailigtas ito dahil isa lang siyang mortal.
Si Lea ang kasintahan niya, na di umano'y anak daw ng mangkukulam. Bago mamatay ang ina nito, gumawa siya ng manika na pinagsalinan niya ng lahat ng mahikang taglay niya.
Inutusan niya ang manika na paghiwalayin si Lea at Ricky. Ngunit hindi ito maisakatuparan ng manika. Kaya lahat ng babae na masaya sa pag-ibig ay pinapatay niya.
Isa sa mga ito si Lea. Hindi niya nagawang paghiwalayin ang magkasintahan pero napatay niya ang babae. Hindi niya yun sinasadya. Iyon din naman kasi ang hiniling ni Lea, kapalit ng kaligtasan ng kabiyak.
"Wala na siya, Almira. Kasalanan ko."
"Huwag mo sisihin ang sarili mo, Ricky. May dahilan kung bakit kinuha siya ng Diyos."
Pinahid ni Ricky ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata. Ayaw niyang umiyak sa harap ng ama. Kailangan magpakatatag siya para sa pag-ibig na binuo nila ni Lea.
***
Alisa
Copyright © 2014 by kishie_elise
WARNING: No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage without any permission from the author.
Plagiarism is a crime. Do not copy.
BINABASA MO ANG
Alisa
HorrorMagaganda ang mga manika. Totoo yun. Kaya wag ka matatakot sa kanila. Lalo ka kay Alisa.