Chapter V

229 17 14
                                    

Maaga natapos ang school time ni Via. Nagpunta muna siya sa cafeteria para bumili ng maiinom. Kanina pa kasi siya nauuhaw. Wala naman siyang baon na tubig dahil nakalimutan niya.

Hindi ganun karami ang tao sa loob ng cafeteria. Mamaya pa kasing alas seis ang labas ng iba. Ang maganda lang dito sa cafeteria nila ay may AC o air conditioner ito. Ayaw kasi ng staff na ma-spoil o kaya ay langawin ang mga pagkain dito.

Kumuha siya ng favorite niyang milk tea at naglakad papunta sa counter. May nadaanan siyang egg pie, sakto bigla siyang nag-crave dito. Matagal-tagal na din mula ng makakain siya nito.

Umupo siya sa isang table na walang katao-tao matapos bayaran ang mga binili. Chineck niya ang phone kung may messages. May isa galing sa mama niya at dalawa galing kay Leon.

Inuna niya ang message ng mama niya.

Via, wala ako sa bahay mamaya. Bukas ng umaga na ako makakauwi dahil kinailangan kong mag-overnight dito sa company. Mabuti na lang at may personal rooms dito. Ingat ka anak. I love you ♥

Medyo nalungkot siya sa nabasa. Nasanay kasi siya na kasa-kasama ang ina palagi. Pero naiintindihan naman niya ang sitwasyon. Madami na namang papeles at kung ano-anong reports na kailangan basahin at pirmahan ang mama niya. Lalo na ngayon na marami ang umoorder ng mga damit sa kanila.

Binuksan naman niya ang unang message galing kay Leon. Miss na niya ito.

Via, sana okay ka lang dyan :) Goodluck sa pag-aaral! Alam kong kaya mo yan.

Si Leon na talaga ang lalaking pinapangarap niya. Mapagmahal, maalaga, malalahanin, mabait at maunawain. Napaka-swerte nga niya dito kung tutuusin.

Yung isa pa nitong text ang binasa niya.

Miss na kita, Via ko. I love you! ♥ :*

Namula siya ng kaunti doon. Agad siyang nag-reply dito.

I love you too, Leon! Slr, ngayon lang ako nagkalikot ng phone.

Inubos niya ang egg pie at saka uminom ng milk tea. Eto ang paborito niyang meryenda. Bukod kasi sa hindi nakakasawa ang lasa, masustansya pa.

Nag-beep ang phone niya. Alam niyang si Leon yun.

Tinext ako ni Tita, wala daw siya mamayang gabi. Pasensya na ha? Di kasi kita masasamahan dyan dahil wala din kasama si mama.

Okay lang naman sa kanya. Hindi naman sa sanay na siya mag-isa, pero may kung anong gene na naipasa sa kanya ang mama niya na pagka-independent.

Okay lang :) Sige, uuwi na ako. 

Umuwi na si Via sa kanilang bahay. Sarado ang pinto nito pero may spare keys naman siya ng bawat kwarto at bawat pinto dito.

Nagdiretso siya sa kwarto para ayusin ang gamit at magpalit ng damit. Tinapos niya ang mga ito ng mabilis.

Bumaba siya sa kusina at nagsimulang magluto ng pagkain. Medyo mahihirapan siya kung magluluto ng ulam na may sabaw. Kaya nagprito na lang siya ng manok. Ni-plug na rin ni Via ang rice cooker. Pang-isahan lang ang nilagay niyang bigas.

Kinuha niya sa ref ang natirang lasagna noong isang gabi. Pwede pa naman itong kainin at tsaka isang plato pa ito.

Naluto na ang kanin kaya naman nag-ayos na siya ng lamesa. Heavy palagi ang dinner niya dahil tipid siya kumain kapag umaga.  Kumuha siya ng iced tea sa ref dahil walang juice.

Nasa kalagitnaan siya nang pagkain nang may kumaluskos sa may harap niya. May kahabaan kasi ang lamesa nila pero hindi naman ganun kahaba, kahit silang dalawa lang ng mama niya ang nakatira.

AlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon