Ilang araw na rin ang nakalipas at lahat sila nakalimot na sa nangyaring aberya sa lumang bahay. Pero si Via ay mukhang hindi pa. Dahil madaming beses na siyang natutulala sa kawalan. Mababalik naman siya sa sarili kapag lumapit sa kanya ang nanay niya.
Pina-imbestigahan na din yung bahay upang matiyak na wala ng mga nakatira doon. Hindi na pumayag ang gobyerno na may tumira o tumigil dun kahit panandalian lamang."O, Via, hindi ba pupunta ka sa mall ngayon?" ang mama niya.
Natauhan si Via na kanina'y nakatitig sa kawalan. Tumayo siya bigla mula sa pinag-uupuan at dumiretso sa kwarto. Napahabol nalang ng tingin ang mama niya.
Matapos ang ilang sandali ay bumaba na rin siya. Nakasuot na siya ng simpleng blouse at skin-fit jeans. Ang bag niya naman ay bagpack at hindi body bag na ginagamit niya kalimitan.
"So what's with the change of clothes?" si Elaine na sa kanila muna tumitigil. Ayaw kasi ni Via na mawala si Elaine sa paningin niya o ng mama niya.
"Nothing. I just feel like wearing this instead of a dress." at tuluyan na siyang umalis ng bahay.
Alam nilang malaki ang pinagbago ni Via. Mula sa pananamit hanggang sa pag-uugali. Hindi naman siya nang-aaway o nainigaw. Nag-ffreak out lang siya ng madalas. Kagaya na lamang kapag nawala sa paningin niya si Elaine. Nagwawala siya hanggang sa magpakita na ulit si Elaine.
Kung minsan pa nga ay bigla-bigla siyang magagalit sa kawalan. Wala naman siyang kausap. Pero napapansin nila na ang mga sinasalita niya ay laging tungkol kay 'Becky', 'Elaisa' at 'Alisa'.
Wala naman silang kilalang ganun ang mga pangalan. Muntik pa nga nila dalhin si Via sa mental hospital. Hindi lang pumayag si Elaine dahil baka na-trauma lang daw si Via mula sa isang panaginip o kaya naman ay sa bahay na tinigilan nila.
Kinabukasan kasi, birthday ni Leon. Kaya nasa mall ni Via ngayon para bumili ng regalo. Pero dahil mahirap mag-isip ng pwedeng regalo sa lalaki, nahihirapan si Via. Alam niya kasing kumpleto na ang mga damit ng kasintahan at hindi naman ito mahilig sa tuxedos. Gusto niya ay yung tatatak talaga sa puso at isipan ni Leon.
From: Elaine
O, nakabili ka na?Nagtext sa kanya si Elaine. Sabi kasi nito ay bumili nalang siya ng body spray o kaya ay wristwatch. Pero ayaw ni Via ng ganun.
To: Elaine
Not yetInisa-isa niya ang bawat stall sa mall. Naisip niya sanang shirt pero kada makakakita siya ng maganda, umaabot ng isang libo ang presyo. Humihindi siya dahil alam niyang kukulangin siya.
Pumasok siya ng National Book Store at bumungad sa kanya ang isang malaking canvas. Sa tabi nito ay mga pintura at brushes. Artist si Via pero hindi siya ganung kilala.
Tinext niya si Elaine para ipaalam na may alam na siyang regalo na hinding-hindi malilimutan ni Leon.
To: Elaine
May alam na ako. Uuwi ako ng maaga para magawa. Bibili lang ako ng materials.Kaagad niyang binili ang malaking canvas pati na rin ang iba pang materials na kakailanganin niya. Pati gift wrapper na kakasya sa canvas at binili na din niya. Siguro naman may idea na kayo kung anong gagawin niya.
Bago umuwi ay kumain muna siya dahil malapit na mag-lunch. At nagugutom na din naman siya. Dun siya kumain sa Jollibee dahil yun ang pinakamalapit mula sa kinatatayuan niya.
Kasalukuyang kumakain siya nang may mapansin siya sa inorder niyang chicken.
Normal lang naman ang mga fried chicken na may nalutong dugo na kumapit sa buto o sa kaunting laman.
Pero ang chicken na kinakain na Via ay walang ganoong dugo..
Dahil...
"Aaaah!" sigaw niya.
Nagsilapitan ang ilang crew ng fast food chain sa table niya. Wala naman silang nakitang kakaiba kaya inisip nilang nababaliw lang si Via.
Pero..
May sumisirit na dugo mula sa kaloob-looban ng chicken.
Umalis ng table niya ang crew ng Jollibee habang si Via naman ay natulala sa kinauupuan. May tinitingnan siya sa harap niya. Ang takot sa kanyang mukha ay hindi maipinta.
Si Alisa.
***
Otor's nowt: Isang maikling update na parang teaser na din sa susunod na chappies. Ano nga ba ang nangyayari kay Via? At ano na namang problema ni Alisa? Paano na si Becky at Elaisa?
Bakit ngayon lang ako nag-update? Kasi tinapos ko ang Fast Time At Clairemont High na fanfiction ko. At dahil excited ako ibahagi ang kwento ni Ian at Zastin, umabot ako sa chapter 23 ng In Wonderland.
Hindi ko po nalilimutan ang alaga kong si Alisa mwahahaha! Syempre para ito kay @Zephryus na iniwanan akong lutang sa ere. Nagpakalbo kasi siya at lumipad papuntang Bataan. Nako kukutusan ko yan pagbalik hahaha!
So, guys.. hindi naman sa pagiging gahaman. Kasi may nagsabi sakin na wag daw ako magganito. Eh chini-cheer ko lang ang readers ko.
So ayun nga. Kung nagustuhan mo, i-tap mo yung star. Kung may apila ka, i-comment mo. Kung may reklamo ka, i-comment mo din. Kung pwede lang naman, let's spread the story of our gorgeous doll, Alisa. Let her haunt you every midnight.
BINABASA MO ANG
Alisa
HorrorMagaganda ang mga manika. Totoo yun. Kaya wag ka matatakot sa kanila. Lalo ka kay Alisa.