Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Via. May date sila ni Leon ngayon. Ipapakilala rin siya nito sa ina pagkatapos.
Excited siya dahil matagal niya itong hinintay. Gusto na niya makilala ang mga magulang ng boyfriend.
"Ma, alis na ako. Bye."
Humalik siya sa pisngi ng ina. Alam ng mama niya ang tungkol sa kanila ni Leon at suportado naman siya nito.
"Sige, anak. Magpakaayos ka dun ha."
Sa malapit na restaurant sila magkikita ni Leon. Kahit may sariling sasakyan, pinili niyang maglakad. Matagal na rin naman mula ng maglakad siya. Tsaka malapit lang naman ang restaurant na yun.
Hindi naman siya late sa napag-usapang oras pero nandun na kaagad si Leon. Naka-simpleng t-shirt lang ito na kulay puti at maong pants.
Siya naman ay naka-simpleng white dress at black heels. May dala-dala rin siyang black leather bag na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. Simpleng make-up lang ang nilagay niya sa muka.
"You look beautiful."
Namula siya sa compliment ng boyfriend.
"Nako, Leon nangbobola ka na naman. Kumain na lang tayo, gutom na ako."
"Ikaw talaga, kahit kelan ang takaw."
Pinisil ni Leon ang pisngi ni Via. Mabuti na lang light lang ang make-up niya kundi mahahalata ang thumb mark ni Leon sa pisngi niya.
Umorder si Via ng beef lasagna at red tea, favorite niya eversince childhood. Umorder naman si Leon ng fetuccini at lemon tea, favorite niya since may pagka-vegetarian siya.
Nagkwentuhan sila tungkol sa kanilang college lives. Business management ang course ni Via at Architecture naman kay Leon. Magkaiba sila ng building dahil obvious naman na magkaibang-magkaiba ang courses nila.
"Tara sa doll shop. Gusto na ni mama na makilala ka."
Tapos na sila kumain at naglakad sila papunta kila Leon. Malapit lang din naman ito sa restaurant.
May doll shop ang nanay ni Leon. Mahilig kasi ito sa mga manika. Bumibili ito ng maramihan sa nag-iisa nitong dealer at binebenta sa tamang presyo.
"Sige! Gusto ko din makita yung pinakamagandang doll eh. Yung Alisa ba yun?"
"Ah, oo. Nandun lang yun sa shop."
Yung Alisa yung pinakamagandang doll sa panahon ngayon. Hindi naman ito porcelain pero mahal ito. Bakit? Dahil sa mamahaling fabrics na ginamit dito.
***
"Pasok kayo, Leon. Kamusta, anak? Ikaw si Via, hindi ba?"
Mabait ang mama ni Leon. Nasa mid-30s lang ito ngayon. Nag-iisa kasing anak ni Leon at hindi na nasundan pa.
"Okay lang po ako, tita."
"Ah! You can call me mama. Naikukwento ka ni Leon sakin, at tama siya. Ang ganda ganda mo nga. Di hamak na napaka-swerte ng anak ko sayo."
"Hindi naman po ako ganun kaganda."
"Sige, upo ka Via. Business management ang course mo di ba? Hmm... I wonder lang, may business ba kayo?"
"Ah, opo Mama. Samin po yung Elisha's Apparel."
"Ganun ba? Dun kami nabili ng mga bagong damit ng manika namin eh."
Nagkwentuhan lang sina Via at ang nanay ni Leon, si Elizabeth. Magkasundong-magkasundo kaagad ang mga ito sa unang pagkikita.
"Ma, gusto ko po makita yung Alisa Doll. Yun daw po kase ang pinakamagandang doll dito. Baka po magustuhan ko, bibilihin ko na rin po."
"Naku, libre na para sayo. Ay Leon, samahan mo muna si Via sa aisle ni Alisa."
"Salamat po, ma."
Nagpunta si Via at Leon sa aisle ng mamahalin at magagandang manika. Halos lahat ng sikat na manika nandoon.
"Eto na siya, Via. Eto si Alisa."
Napatigil si Via sa manikang itinuro ni Leon. Hindi naman ito maganda gaya ng sinasabi ng iba. Hindi rin ito mukang mamahalin. Muka itong basahan. Muka itong rag doll.
"Ha? Yan si Alisa? You're kidding me." Pabirong sabi niya sabay talikod.
"Yes, it's her. Look, ang ganda ganda niya oh."
Humarap si Via kay Leon na hawak-hawak ang manika. Pakiramdam niya sa kanya nakatingin si Alisa. May kakaibang aura ang bumabalot sa manikang hawak ni Leon.
"Yeah right. She's pretty with her black hole eyes."
Umalis si Via sa aisle at bumalik sa counter kung nasaan ang mama ni Leon. Nagtaka si Leon sa sinabi niya.
Black hole eyes? San naman kaya napulot ni Via yun eh blue ang mga mata ni Alisa.
"Sandali lang, Via! Anong black hole.... eyes?"
Naabutan niya si Via na kausap ang nanay niya. Mukang seryoso ang mga ito sa pinag-uusapan.
Bumalik siya sa aisle para ibalik si Alisa sa pwesto nito. Tumuloy naman siya sa counter. Lumapit siya ng kaunti para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Ma, uuwi na ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito."
Tumayo si Via at nagsimulang maglakad.
"Teka lang, Via! Ihahatid na kita sa inyo."
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Via. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas ito ng doll shop nila.
Tumingin siya sa ina.
"Sabi niya masama pakiramdam niya. Hayaan mo na, tawagan mo na lang mamaya."
Wala ng nagawa si Leon. Pumasok na lang siya sa bahay na nasa likod ng shop. Dumiretso siya sa kwarto at natulog.
BINABASA MO ANG
Alisa
HorrorMagaganda ang mga manika. Totoo yun. Kaya wag ka matatakot sa kanila. Lalo ka kay Alisa.