Hindi ito storya. Kung iyon man ang inaasahan mo, pwes nagkakamali ka.Hindi isang propesyunal ang nagsulat nito. Kung iyon man ang inaasahan mo, pwes nagkakamali ka.
Hindi ka paiiyakin nito (minsan, siguro). Kung iyon man ang inaasahan mo, pwes nagkakamali ka.
Hindi ka patatawanin nito (minsan, siguro). Kung iyon man ang inaasahan mo, pwes nagkakamali ka.
Muli, hindi ito storya. Ito ay tibok ng puso, kabog ng damdamin at pintig ng nararamdaman. Ito ay pinagsama-samang mga tula, mga storya, at mga pyesa tungkol sa pag-ibig, buhay at iba't iba pang mga bagay.
Nakakulong sa mundo ng kalungkutan (minsan kaligayahan), nais kong ibahagi ang karanasan sa pamamagitan ng mga pyesa. Kahit na gustong isigaw ang mga ito sa mundo, hindi ako sigurado kung kaya ko.
Paunti-unti hanggang sa marinig ito ng buong mundo. Sa ngayon, isisigaw muna sa pamamagitan ng bulong sa kalawakan.
Kung nais mong maging parte ng aking kalawakan at marinig din ang bulong ng aking nararamdaman, maraming salamat at maaari ka nang tumungo sa susunod na parte nito.
BINABASA MO ANG
bulong sa kalawakan
PoetryMinsan masaya, minsan malungkot. Minsan maayos, minsan magulo. Sa bawat minsang nadarama, idinaan ito sa madalas na pagsulat. Ang madalas na paglikha ng mga pyesa - ibinaon sa kaibaturan ng puso na ngayo'y nais ilabas sa mundo. Ilalabas paunti-unti...