Noong ako'y mapasulyap sa iyong mapupungay na mga mata
Hindi maipaliwanag ang aking dagliang nadama
Tila bawat isang lungkot at pighati ay nawala
Ang buhay ko ay pinuno mo ng ligaya.
Iyong ibinigay na ngiti
Kasing ganda nito ang bahaghari
Tuluyan nang hindi napigilan ang sarili
Na hanap-hanapin ito palagi.
Isang manunulat ang may katha
Nitong pagkaganda-gandang tula
Kanya itong inaalay sa mahal niya
Ngunit wala siyang lakas ng loob para ito'y ipabasa.
Araw-araw panibago ang sinusulat
Kanyang pag-ibig, dito isinisiwalat
Minamahal niya ang naging inspirasiyon
Sa paglikha ng tula tuwing may pagkakataon.
Lagi nilang kasama ang kumpanya ng isa't isa
Magkahawak ang kamay habang parehas na tumatawa
Alam ng manunulat na iniibig din siya ng mahal niya
Pero siya ay inuunahan ng hiya sa pag-amin ng nadarama.
BINABASA MO ANG
bulong sa kalawakan
PoetryMinsan masaya, minsan malungkot. Minsan maayos, minsan magulo. Sa bawat minsang nadarama, idinaan ito sa madalas na pagsulat. Ang madalas na paglikha ng mga pyesa - ibinaon sa kaibaturan ng puso na ngayo'y nais ilabas sa mundo. Ilalabas paunti-unti...