Isang araw naisipan niyang magtapat ng damdamin
Kanyang hiyang nadarama ay lulunukin
Mga isinulat na tula, kanya nang ipapabasa
Upang simulan na niya ang pag-amin sa mahal niya.
Ngunit tumigil ang mundong kanyang ginagagalawan
Nang kanyang mapag-alaman
Panaginip lamang ito
Wala ni isa ang totoo.
Panaginip lamang ang mga oras na sila'y magkasama
Panaginip lamang ang paghawak niya sa kamay ng mahal niya
Panaginip lamang ang tawanan nilang dalawa
Panaginip lamang ang dapat na pag-amin niya.
Dahil matagal nang sumuko ang mahal niya
Matagal nang natuldukan ang kung anong meron sila
Matagal nang natapos ang ugnayan nilang dalawa
Dahil hindi niya nasabi ang kanyang nadarama.
Sa pagmulat ng kanyang mga mata
Biglang may sumagi sa isip niya
Ang katotohang huli na siya
'Pagkat ayaw na sa kanya ng mahal niya.
Sa pagtapak niya sa tunay na mundo
Kanyang unti-unting napagtanto
Napupundi na ang ilaw sa kanyang mundo
Dahil wala na ang araw na nagpapaliwanag dito.
Kung sana sinabi ng mas maaga
Kung sana nagtapat ng tunay na nadarama
Maliligtas pa sana ang kung anong meron sila
At hindi ito naglalaho na parang isang bula.
BINABASA MO ANG
bulong sa kalawakan
PoetryMinsan masaya, minsan malungkot. Minsan maayos, minsan magulo. Sa bawat minsang nadarama, idinaan ito sa madalas na pagsulat. Ang madalas na paglikha ng mga pyesa - ibinaon sa kaibaturan ng puso na ngayo'y nais ilabas sa mundo. Ilalabas paunti-unti...