//STILL ALEXZIA POV//
Nandito kami ngayon sa labas ng ER at si Kiro nandoon nasa loob kasama ang mga ibang nurse at mga Doctor habang ako at si Misis Angeles ay nakaupo dito sa labas ng ER habang hinihintay ang sasabihin ng Doctor.
Halos maiyak iyak na si Mrs.Angeles dahil sa pangyayare kanina.Hindi sya mapakali at ang kamay nya ay di mapakali.Sinubukan kong pakalmahin sya.
"Magiging maaayos din po ang Lahat!"saad ko habang hinihimas ang likod nya.
"Diko na alam ang gagawin ko ngayon nasa peligro ang buhay ng anak ko!"pag aalalang saad nya
"Nalaman ko pong ayaw nyang pumayag sa pag oopera sa kanya,bakit nga po ayaw nya magpa opera??"tanong ko
"Gusto nyang magpakasal kami ni Kiro kahit hindi pwede dahil nga may asawa na sya,pero pinipilit nya pa din ang hindi pwede,hindi sya papayag mag opera hanggang hindi kami kasal ni Kiro"pagpapaliwanag ni Mrs.Angles
"Ako pong bahala hindi po ako uuwe ng pilipinas hanggang hindi sya pumapayag mag pa opera!"saad ko
"Salamat napaka bait mong tao!"iyak na saad nya
Wala na syang magawa kundi umiyak ng umiyak at napayakap sa akin.
𝐹𝐴𝑆𝑇𝐹𝑂𝑅𝑊𝐴𝑅𝐷
Makalipas ang 2 oras ay nakalabas na ng ER si Kiro kaya agad kaming napatayo ni Mrs.Angeles
"Kamusta si Nicole?"alalang tanong ni Mrs.Angeles
"She's okay kailangan nya lang mag pahinga!"saad ni Kiro
"Hay mabuti naman"
"Akiro"saad ko
"Alexzia ikaw muna bahala dito aasikusuhin ko lang yung examination namin kay Nicole!"saad ni Kiro
"Oo sige!"saad ko
At agad naman nag lakad palayo si Kiro,sinundan ko ng tingin kung saan sya pupunta.
Mabuti naman okay na si Nicole nagulat syang nalaman na ako ang asawa ni Kiro at hindi nya matanggap iyon .
Kailangan kong mapa oo si nicole sa operasyon para gumaling na sya at hindi na mag aalala ang Mama nya ang anak nya lang ang nagbibigay ng lakas sa kanya.
"Mrs.Angeles ako po bahala kay Nicole tutal po may 2 days pa ako dito para mapa oo sya sa operasyon!"saad ko
"Mapa oo mo kaya sya sa operasyon, kami ni Kiro di namin sya mapa oo!"
"Kung hindi nyo po sya napa oo pwede ko pong subukan kapag hindi ko po sya napa oo sa dalawang araw nayun di po ako susuko!"saad ko
"Ohh sige sana mapa oo mo sya!"maiyak iyak nyang saad
"OPO!!kaya wag napo kayo mag aalala gagawin ko ang best ko mapapayag lang sya!"saad ko
FASTFORWARD
Naisipan kong bumili ng bulaklak at chocolate para kay Nicole kaya agad akong dumiretso sa flower shop at sa 7Eleven para bumili.
Di ako nakapag paalam kay Kiro dahil sobrang busy nya kaya ayoko syang abalahin.
Ang alam ko is umalis ang Mama ni Nicole para mag work at kahit kailangan nyang bantayan ang anak nya ay mas pinili nyang mag trabaho para may pambayad sa hospital.
Ngayon ay naglalakad ako sa 15th floor at naglalakad sa hallway ng hospital habang hinahanap ang number ng kwarto.
"5-56!"saad ko habang hinahanap ang kwarto
"AHA eto na pala!"ngiti kong saad
"NICOLE NANDYAN NAKO!"sigaw kong saad habang nag madaling pumasok
