Chapter 19

374 11 2
                                    

"Salamat kuya at pakisabi nalang kay Domenic na salamat" pasasalamat ko sa driver ni Domenic

"Sigeh po Ma'am" sagot naman nya at diretso andar ng kotse

At napatawag si Mama na lung nasaan na daw ako sabi ko naman nasa bahay nako kakauwi lang...

Nasa harapan nako ng gate kaya agad kong binuksan at pumasok at nilock ulet para walang makapasok na magnanakaw...sunod naman yung pinto hinanap ko pa sa bag ko yung susi ng bahay kasi nakalock ng nahanap ko nayung susi ay dahan dahan kong binukas..

Pagbukas ko nakapatay yung ilaw kaya naman binuksan ko yung ilaw at nahiga sa sofa dahil sa sobrang pagod kahit sobra akong pagod diko padin magawang matulog kaya nahiga muna ako saglit tsaka nag tanggal ng sapatos ng napansin ko sa kwarto bukas ang ilaw sa taas...

Kaya agad akong pumunta ng kwarto peri diko makalimutan na kumuha ng pamalo kung magnanakaw man sya..dahan dahan akong pumanik ng hagdan at dahan dahang binukas ang pinto ng kwarto at nakita ko may taong nakahiga sa kama kaya agad kong binuksan ang ilaw ng kwarto nakita ko si Kiro nandoon natutulog...

"A..Akiro"pautal kong sinabi dahil sa gulat saa nakita

Agad ko naman sinilip ito na may Can beer sa ibaba ng kama at may hawak pa sya sa kamay nya habang tulog..

Nagsisi talaga ako sa ginawa ko ,,kasi naman sya eh pinagaalala nya lagi ako...at hindi man lang tumawag..

Agad ko namang nilinis ang mga kalat sa kwarto puno ng Can beer at kinuha ang beer sa kamay nya...

Pagkatpos kong maglinis agad akong bumaba para kumuha ng tubig at panyo pampunas sa kanya...

Ng nakakuha nako ng tubig at panyo agad akong dumiretso sa kwarto at umupo sa tabi ng bed at sa tabi nya at para din na punasan sya...

"Sorry kung hindi kong nagawang mag ingat ,,hindi ko naman alam na buntis ako"sabi ko habang pinupunasan sya sa braso

"Baby..."salita nya habang tulog

"Sorry talaga Kiro" patawad ko kahit di nya ko naririnig

At agad namang syang tumalikod at nagkumot...
At pagkatapos syang punasan bumaba ako para ilagay sa lababo yung pinag gamitan ko..

At doon naman ako sa sala matutulog at uminom ako ng sleeping pills atsaka humiga at natulog....naiwan ang gamot sa mesa ng sala..

Pagkagising ko dahan dahan akong tumayo at kinusot ang mata dahil sa muta na nasa mata ko na diko alam na umiiyak padin ako kahit tulog...

Ng naalala ko si Kiro nasa taas ng kwarto at agad ko syang pinuntahan sa taas pero pagkabukas ko ng pinto wala sya sa kama kaya baka umalis sya ng maaga ng hindi man lang nagpapa paalam...

Matamlay akong bumaba ng kwarto at umupo sa sofa...

"Hay" buntong hininga ko sabay hawak sa ulo ko na medyo sumasakit..

Nakailangan ko napalang pumasok sa school kaso wala akong gana pumasok pero may exam kami ngayon kaya naisipan ko nalang pumasok para narin hindi masayang ang pagpapaaral sakin ng magulang ko...agad akong bumangon para maghilamos at maligo...

Ng matapos nakong maligo tumawag si Mama na pumunta daw ako sa bahay nila may sasabihin daw sakin...sabi ko mamaya nalang kapag tapos na ang klase namin...

Pumunta nako ng school na halata sa mukha ko yung lungkot na nadarama ko..

"Uyy Alexzia"tawag sakin ni Ashlee pero patuloy lang ako maglakad

Agad naman nya ko puntahan para kausapin

"Uyy Zia ok kalang"sabi nya na agad ko naman napansin na nandyan pala sya

The Marriage ContactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon